Sponsored Links

Minsan sa sobrang hirap ng buhay, kahit mga matatanda na dapat ay nagpapahinga na lamang sa loob ng kanilang bahay, ay napipilitan pa rin na maghanapbuhay upang may makain at may maitulong sa pamilya. Ito ang nakakalungkot na katotohanan sa ating bansa. Marami tayong makikita na mga matatanda na nagtatrabaho pa at nagbabanat ng buto kahit mahina na ang kanilang mga buto.

Samantala, isang netizen naman ang ipinabilib ang publiko sa taglay nitong puso upang makatulong sa kanyang kapwa lalo na sa isang matanda.  Isang araw habang nagmamadali si Benedict Jade Duran papunta sa kanyang delivery, ay nakita nya ang isang matanda na naglalakad bitbit ang kanyang mga panindang walis.

photo credit to Benedict Jade Duran | Fcebook

“”Habang nag-drive ako papuntang SM Fairview nakita ko kaagad si tatay na may bitbit na walis tambo na mahaba. Una, nilampasan ko siya ta’s tiningnan ko siya sa (salamin ng motor). Habang nakahinto ako nagdadalawang-isip pa ‘ko kasi may rush order talaga ako sa SM Fairview, pero dali-dali akong bumalik.” pahayag ng uploader na si Benedict.

photo credit to Benedict Jade Duran | Fcebook

Nahabag umano si Benedict sa kalagayan ng 85 taong gulang na matanda na naglalakad sa kalye para lamang maghanapbuhay.

“Ayaw ko kasi maglakad pa siya nang malayo kaya ako na gumawa ng way para itinda ang walis, “May baston pa kasi siya, ‘yun nag-support sa buhay niya”, dagdag pa ni Benedict.

photo credit to Benedict Jade Duran | Fcebook

Kaya naman ay minabuti nito pahintuin at pagpahingahin muna ang matanda, kinunan ng litrato at agad na ipinost sa kanyang Facebook Group na nananawagan na tulungan siyang bilhin ang mga walis na paninda ni tatay Jesus.

photo credit to Benedict Jade Duran | Fcebook

“Pi-nost ko agad sa group ko. Buti may mga nakapansin sa post ko at naubos ‘yung paninda ni tatay. ‘Yung ngiti ni tatay na binigay ko ‘yung pera grabe sarap sa feeling. Nung tumawa siya at sabi, ‘Nak maraming salamat,” pagkukwento ni Benedict.

Labis ang pasasalamat sa kanya ni tatay Jesus at malaking tulong na umano ito sa kanya ang mabili ang mga walis na sya mismo ang gumawa para lang magkapera.

photo credit to Benedict Jade Duran | Fceboo

Ayon naman kay Benedict, hahanapin nila si tatay Jesus sa susunod na mga araw upang bigyan ng dagdag na cash donations.

{via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here