Sponsored Links

Pantawid Pamilyang Pilipino Program o ang 4P’s na programa ng ating gobyerno ay nalagay sa alanganin dahil sa ilang mga opinyon ng ating kababayan. Ayon sa ilan tinuturuan lamang daw maging tamad ang tao at umasa sa natatanggap na halaga sa gobyerno. Lalo na nang mapag-alaman na ang iba natin kababayan ay sa hindi maganda gawain dinadala ang natatanggap dito.

Ngunit sinalungat ito ng isang 4P’s iskolar, ayon sa kanya hindi lahat ay katulad ng opinyon ng iba. Tulad niya inilathala niya kung paano nakatulong ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng ating gobyerno ng siya maging iskolar nito at makatanggap ng benepisyo buhay sa nasabing programa.

image credit to Marvin Arnoza

Umani ng papuri at samu’t saring komento ang post ni Marvin Arnoza, na nagkwento ng kanyang karanasan bilang 4P’s iskolar at paano niya ito nagamit upang maging matagumpay ang kanyang buhay sa kasalukuyan. Halina’t tunghayan ang kanyang buong kwento at maging inspirasyon sa ating lahat ang kanyang napagdaanan.

image credit to Marvin Arnoza

Makikiraan lang po sa newsfeed nyo.
Kabilang po ang aming pamilya sa 4Ps na programa ng gobyerno.
Gusto ko lang pong ibahagi ang experience ko as iskolar ng 4Ps, iskolar ninyo, opo, dahil alam ko naman po na buwis ninyo ang isa sa mga nagpa-aral sa amin.
Pagsasaka at pagkokopra po ang ikinabubuhay ng aming pamilya, isang kahig isang tuka. Madalas hirap kami na makakain 3 beses sa maghapon lalo na kapag may kalamidad o kaya naman ay matumal ang ani. Walo po kaming magkakapatid at ika-lima po ako. Ako po ang unang nakatuntong sa kolehiyo dahil na rin sa opurtunidad na dala ng programang ito kaya di ko pinalampas, kahit medyo may kalayuan ang Unibersidad mula sa amin. Nagsakripisyo din po ako sa loob ng limang taon.

image credit to Marvin Arnoza

First year College pa lang po ako nang sumakabilang buhay ang aming tatay. Hindi po naging madali ang buhay estudyante ko bilang isang iskolar, nagdalawang isip kung tutuloy pa ba o hindi na, pero inisip ko po noon na mas mahirap bumalik sa pamumuhay na mayroon kami. Every semestral at Christmas break, isa lamang po ito sa mga panahong nagkakaroon ako ng pagkakataon na makauwi sa aming bahay, na sana nagbabakasyon nalang pero madalas po nakiki-ani kami ng palay, nagkokopra, para atleast pagbalik ko ng Unibersidad may dagdag pagkain at pang-gastos bukod sa ayuda ng gobyerno. Naalala ko pa noong summer vacation bago ako tumuntong ng ikalimang taon ko sa kolehiyo, nagtrabaho po ako as construction worker, opo naging isang laborer din po ako dahil tuwing bakasyon wala naman po kaming allowance kaya kailangan namin kumayod para may pangdagdag pangkain ang pamilya.

image credit to Marvin Arnoza

Sa loob po ng limang taon di ko na nabilang kung ilang beses akong lumuha dahil sa hirap na minsan nawawalan din ng pag-asa, pero nanguna po sa mga naging inspirasyon ko yung pamilya ko na sana dadating yung araw na hindi na namin kailangang maging uhaw sa ayuda ng gobyerno, na sana dadating yung araw na hindi na kami makakarinig ng sumbat mula sa kapwa namin dahil masakit po, Masakit na kahit anong kayod mo kulang at kulang pa rin tapos ang tingin sayo tamad dahil walang nararating sa buhay.
Naalala ko po yung sinabi ng kaibigan ko na tumatak sa akin, ” WE’RE LIVING IN THE SAME GENERATION BUT NOT WITH THE SAME EXPERIENCE”.

Sa awa po ng Diyos, nakapagtapos po ako sa loob ng limang taon dahil na rin sa napakaraming taong tumulong. Ngayon isa na po akong Inhinyero at ito po ang Gusto kong ipagpasalamat sa inyo.

MARAMING MARAMING SALAMAT PO
SA INYONG LAHAT

image credit to Marvin Arnoza

dahil kayo po yung naging daan kung bakit ang isang katulad ko po na simpleng bata mula sa pamilya ng mga magsasaka, ay nagkaroon ng pagkakataong matupad ang pangarap na makapagtapos at makatulong sa Pamilya.
P.s. Wala po akong sama ng loob, dahil lahat naman po tayo may kanya-kanyang opinyon, ang sa akin lang po gusto kong iparating na kahit paano may magandang naidudulot po ang buwis ninyo.

Salamat po.
ENGR. MARVIN A. ARNOZA
Proud 4Ps Scholar

Ang bawat tao ay may kanya kanyang opinyon, hindi lahat ay may ideyang tulad nila o ni Engineer Marvin. Ikaw ano masasabi mo sa kanyang karanasan. {via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here