Sponsored Links

Tila nakapukaw pansin ang post ng isang guro patungkol sa pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak. Para sa kapakanan ng kanyang anak kahit na ito ay may katandaan na ay masugid nitong inaalalayan ang kanyang anak na may kapansanan sa paghahanap ng trabaho.

image credit to Zaldy Ordiales Bueno

Ayon sa uploader na nagbahagi ng mga larawan na si Zaldy Ordiales Bueno sa social media. Si Zaldy Ordiales Bueno ay Head Teacher sa isang pampublikong paaralan na ina-applyan noon ni Edwin Garin. Nakapagtapos sa kursong Education at naghahanap noon ng mapapasukan si Edwin..

image credit to Zaldy Ordiales Bueno

Talaga naman nakaka antig sa damdamin ang tagpong ito kaya naman ng maipost ni Mr. Bueno ay agad na umantig ito sa karamihan kung saan maging ang mga nakakabasa dito ay naging emosyonal. Sa edad ni tatay at sa kanyang anak na nagnanais makapasok ng trabaho ay nasumpungan ang isang ugaling Filipino na talaga naman likas ang pagmamahal sa pamilya.

image credit to Zaldy Ordiales Bueno

Dahil nga dito sa pagnanais ni Edwin na makatulong sa kanyang pamilya sa kabila ng kakulangan nito, Minabuti ng paaaralan na irekomenda siya sa mga paaralang naghahanap at nangangailangan pa ng mga guro. Tiyak naman magiging mabuting guro si Edwin ayon kay Mr. Bueno.

image credit to Zaldy Ordiales Bueno

Ang masaksihan ang ganitong tagpo ay tunay nga nakakabagabag sa damdamin at maalala ang tunay na pagmamahal sa pamilya.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here