Sponsored Links

Malaking tulong talaga ang nagagawa ng mga food deliveries lalo na sa mga taong nagtatrabaho sa opisina, at bahay na walang oras sa pagluluto at paghahanda ng pagkain.

Malaking tulong din ito sa mga taong nagiging tagapag deliver ng mga orders na pagkain dahil nagkakaroon sila ng hanapbuhay.

photo credit to encikroypanda | ig

Umani naman ng atensyon ang isang driver o delivery guy ng Food Panda, isang online food delivery. Marami ang nagigiliw sa delivery guy dahil sa napaka-cute nitong suot na costume sa pagdedeliver.

photo credit to encikroypanda | ig

Nagmimistulang malaking panda na parang may mga nakasakay sa kanyang malilit na panda dahil sa mga dinikit nitong panda plusies sa kanyang damit. Nagsuot din sya ng panda na sombrero at panda na face mask. Hindi na sya mukhang isang delivery guy kundi naging mukhang “Panda Guy” na raw ito ayon sa mga netizens.

photo credit to encikroypanda | ig

Ang sumisikat na “panda guy”ay si Akhmal Abdul Rashid ng Muar, Malaysia na tinatawag ng mga taong “Encik Panda”sa social media.

Ayon kay Akhmal, mga siyam na buwan na siyang nagtatrabaho sa FoodPanda ngunit nagsimula siyang magsuot ng mga panda na laruan sa kanyang uniform noong mga nasa dalawang buwan pa lamang sya sa trabaho.

photo credit to encikroypanda | ig

Marami sa kanyang mga customers ang nagigiliwa at nagmungkahi na gumawa ito ng kanyang social media account bilang si Encik Panda para mas lalo pa itong makilala. Kaya naman gumawa din umano si Akhmal ng kanyang Facebook page at Instagram account bilang si “Encik Panda” at doon siya nag a-upload ng kanyang mga litrato habang nasa trabaho bilang isang FoodPanda delivery guy.

photo credit to encikroypanda | ig

Dahil sa pagiging abala sa trabaho, hindi raw nito masyadong naa-update at namamanage ng maayos ang kanyang page at IG, kaya’t hindi ito masyadong nakakapagpost doon. Subalit, patuloy siyang sumisikat at nakikilala dahil sa mga customers na madalas ay natutuwa at nagigiliw sa kanyang itsura. Nagpapa-picture ang mga ito at ipinipost sa kanilang FB o IG kaya naman lalo pang marami ang nagnanais na Makita si Encik Panda.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here