Sponsored Links

Maaring mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, subalit mapalad ka parin kung nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw at may desenteng pagkain. Ito ang mga bagay na dapat hindi kinakalimutang ipagpasalamat.

Kamakailan lang ay naging trending sa Facebook ang post ni Earl Archievan Calixtro tungkol sa isang lalaki na umorder ng isang cup ng kanin at tubig sa isang fastfood restaurant sa Pampanga.

photo credit to Earl Archievan Calixtro | fb

Napag-alaman na ang lalaki ay nanggaling pa sa Tacloban at bumyahe papuntang Pampanga upang maghanap umano ng trabaho dahil sa matinding hirap na kanilang pinagdadaanan sa kanilang lugar.

photo credit to Earl Archievan Calixtro | fb

Ayon kay Earl, makikitang gutom na gutom at pagod ang lalaki ng ito ay pumasok sa McDonald’s sa San Fernando Pampanga. Naawa umano si Earl sa kanyang nakita. “Pagdating nung order niya, 1 cup of rice and water lang. Kinakain niya rice lang. Nilapitan ko si Tatay tinanong ko kung gusto pa nya ng makakain. Oo, daw kasi nagugutom sya pero kulang pera nya. So inorder ko sya ng makakain”, wika ni Earl sa kanyang post sa Facebook.

photo credit to Earl Archievan Calixtro | fb

Umorder umano si Earl ng pagkain para sa lalaki ngunit nagulat sya nung pagbalik nito upang ibigay ang pagkain sa lalaki. “Pagbalik ko sa table niya may chicken fillet na. Binigay noong crew. Thank you sa buong staff at crew ng McDonald’s San Fernando malapit sa SM, di kayo nagdalawang isip tulungan si Tatay”, sabi ni Earl.

Sa mga ganitong pagkakataon, ang isang maliit na bagay ay nagsisilbing na malaking tulong para sa iba. Sana ay maging normal na Gawain na ang pagtulong sa kapwa lalong-lalo san a panahon ngayon na matinding hirap ang kinakaharap ng karamihan dahil sa pagdating ng pandemya.

Kanina napadpad ako sa Pampanga. Nag lunch ako sa McDonald's near SM. Si Tatay pumasok then umorder. After nun naupo sya…

Posted by Earl Archievan Calixtro on Tuesday, July 28, 2020

Isang modelo ng kabutihang loob ang ipinakita ni Earl, pati nadin ng crew ng McDonald’s.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here