Home News Ginang napakamot na lamang ng ulo matapos umorder ng toy car ang kanyang 3-taon gulang na anak sa online store

Ginang napakamot na lamang ng ulo matapos umorder ng toy car ang kanyang 3-taon gulang na anak sa online store

0
Ginang napakamot na lamang ng ulo matapos umorder ng toy car ang kanyang 3-taon gulang na anak sa online store
Sponsored Links

Sakit sa bangs marahil ito na lamang ang nasambit ni nanay ng dumating ang isang toy car sa kanilang tahanan. Malamang na gulat at pagkabigla ang naramdaman ni nanay dahil wala naman itong iniorder sa online.

Ang hindi alam ng mga ito ang tatlong taong gulang na anak pala ang may-sala dahil ginamit umano ng bata ang cellphone ng lola nito upang maka order sa online shopping na shoppe. Wala ng nagawa ang pamilya kung hindi pagtulungang bayaran ang nasabing toy car na iniorder.

Makikita sa larawan na hindi lamang basta toy car ang iniorder ng paslit kaya naman tiyak ang presyo nito ay hindi rin biro. Wala na rin magawa ang nanay ng bata kung hindi bayaran na lamang ito at mapakamot sa kanyang ulo.

Ang batang tatlong taon ay tila kinakabahan habang tinatanggap ng kanyang ina ang dumating na order nito, ngunit kalaunan masaya ng naglalaro ang batang paslit. Kung sakaling walang pambayad tiyak na magagalitan ang nasabing bata.

Kaya sa mga magulang maging responsable sa ating mga anak lalo na mga bata pa ito baka mangyari sa inyo ang bagay na ito at magkataon na walang perang pambayad. Kaya naman mas mabuting antabayan natin ang mga bata sa ating bahay ng maiwasan ang ganitong pangyayari.

Samantala sa mga komento ng ilang netizens marami ang natuwa na lamang sa pangyayaring ito at may ilan din naman nadismaya at nagbigay pangaral sa ilang magulang.

Mula kay Marloue NapiƱas Mahumot

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here