Sponsored Links

Sa nakagisnan natin kulturang mga Filipino o madalas na nakagawian lalo na kung pag-uusapan dito ay patungkol sa pag-aaral madalas na nagiging basehan ang mataas na marka o grado ng isang mag-aaral. Nagiging batayan din ito kung gaano kahusay ang isang bata sa kanyang pag-aaral na siyang nagiging repleksyon din para sa isang magulang.

Ngunit gaano nga ba kaimportante ang isang grado o ang makakuha ng mataas na antas sa pag-aaral, marahil sa karamihan ito ang basehan lalo na nga nasa isang bansa tayo na madalas ito ang nagiging batayan. Ngunit kung ating titingnan ito ba ay mahalaga kung ang kaya lamang abutin ng ating mga anak ay sapat na karunungan lamang. Hindi pare-pareho ang kakayahan ng bawat bata maaaring sa paaralan mahusay ito ngunit sa ibang bagay ay mahina ito, at ganun din naman sa kabaliktarang sitwasyon.

Kaya naman isang ginang mula sa pangalang Jheezel Orbina Panga ang naglabas ng kanyang mensahe kung saan nakaantig sa puso ng marami lalo na sa mga inang katulad niya. Narito at basahin ang kanyang buong salaysay.

photo credit to Jheezel Orbina Panga
This was my son’s report card nito lang nagdaan na first grading. He is a grade 1 pupil. Haha! 
Obviously, walang magulang ang matutuwa diyan. At oo! Talagang nainis ako at napagalitan ko siya that day. I even scolded him the following day. Nasabon ko talaga siya to the extent na maiiyak siya. 
I felt so bad kaso kailangan ko ipaintindi sa kanya na mahalaga din ang pag-aaral although bata pa naman siya.
Please, don’t get me wrong sa pagiging OA or whatever. Nag-expect lang ako dahil nakatutok ako sa kanya sa pagtuturo at paggawa ng activities. I’m not aiming for high grades. Gusto ko lang yung decent na marka. 
But you know what? Although makulit din siya at pasaway minsan. Lately, na-realize ko na meron akong intelligently different na anak. Paano ko nasabi? Siya kasi yung tipo ng anak na laging may ganitong senaryo…
“Mama, birthday ng classmate ko bukas. Pabaunan mo ko kanin tapos dalawang itlog, bibigyan ko siya para surprise.”
“Mama, alam mo yung classmate ko kawawa kasi wala siyang baon. Eh diba may baon akong biscuit tapos may 20 pa ko. Binigyan ko siya 5 para makabili siya soup.”
“Mama, yung classmate ko laging masakit yung kamay kaya sinulat ko siya sa notebook niya.”
“Mama, paglaki ko bibilhan kita ng kotse para di ka na mahihirapan samin ni Aki pag aalis tayo na tatlo lang tayo. Kita ko kasi hirap na hirap ka pag tatawid tayo.”
“Mama, maglaba ka lang diyan. Ako na bahala kay Aki.”
“Mama, mag-aalkansya ako para may pang-kasal na kayo ni Papa.”
— Naisip ko, bata ba talaga ‘tong anak ko? Parang matanda na nagkatawang bata lang. Pero meron pang pangyayari na nagpaiyak sakin. Yun yung nagkwento siya sakin about sa pagdadasal niya gabi-gabi.
“Mama, alam mo ba naiiyak ako habang nagdadasal ako sabi ko Papa Jesus wini-wish ko po sana tumalino na ko para hindi na nagagalit sakin si mama. Ang Bobo ko kasi e. Marunong naman na ko magbasa konti pero mababa pa rin grade ko.”
That broke my heart. 
Naiyak ako mga Inay.
Omg! Di ko napapansin nagiging hard na pala ko masyado sa kanya. Nagsorry ako sa kanya kahapon. Humingi ako ng pasensya kung lagi ko siyang napapagalitan. Gusto ko lang naman siyang lumaki ng tama at may values. Sinabi ko pa na okay lang kahit hindi mataas grades niya basta maging mabuting bata lang siya masaya na ko.
Ang sagot niya, “Okay lang po mama. Mag-aaral na ko mabuti.”
I remember sabi ng Lolo ko. Huwag ko daw gawing basehan ang grades. Mas mahalaga daw kung may natutunan ba talaga ang bata. Siguro nag-expect lang ako sa kanya kasi noon sobrang taas ng mga grades ko. 
Sa mga wisdom ng anak ko ngayon, masasabi ko siguro naman lalaki siyang mabuting tao. Proud ako kasi bata pa siya, malalim na ang level of understanding niya. 
Sorry medyo napahaba. I just want to share to all the parents that our child’s mental health or EQ is more important than their grades.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here