Sponsored Links
Home Viral Grab Driver hindi Pinagbayad ang Kanyang Pasahero at Binigyan pa Niya ito...

Grab Driver hindi Pinagbayad ang Kanyang Pasahero at Binigyan pa Niya ito ng Pera

562
Sponsored Links

Sa kasalukuyang panahon marami na ang taong walang pakiaalam o malasakit sa kapwa kahit na ito ay lubhang nangangailangan ng tulong. Sa lansangan makikita natin kung minsan kung may emergency sa daan hindi man lang ito pinapansin ng ibang motorista upang pag-bigyan ang isang ambulansya o ang ibang sangay na sumasaklolo. Kung minsan kahit na ang matandang tumatawid sa kalsada ay hindi natin mabigyan ng kaunting pag-alalay, ngunit hindi naman maikakaila na marami pa rin ang may mabubuti at busilak na kalooban. Kaya naman ang mga ganitong bagay ay nakakagaan ng kalooban at nakakapagbigay inspirasyon sa iba.

imahe mula sa kay Jhane Espina | Facebook

Katulad na lamang ng pangyayaring ito kamakailan, na naibahagi ni Jhane Espina sa kanyang Faceboook. Kung saan ang isang miyembro ng kanyang pamilya ay kailangan dalhin sa hospital dahil sa pinaniniwalaang tinamaan ito ng Dengue. Ayon sa nagbahagi ng kwento isang Grab Driver ang kanilang sinakyan sa katauhan ni Mr. Ronaldo De Guzman.

imahe mula sa kay Jhane Espina | Facebook

Sa kanilang pagdating sa hospital mayroon silang pamasahe na nagkakahalaga ng P310 at nang akma nila itong babayaran ay hindi na tinanggap ng Driver ang nasabing bayad, sa kanyang pananaw mas kakailanganin ng pamilya ang pera. Hindi lamang yan, nag-paabot pa ang Grab Driver ng karagdagang P1,000 sa pamilya ni Jhane. Sa pagkakataon iyong pilit nilang tinanggihan ang nasabing isang libo ngunit mapilit ang driver at kalaunan malugod na rin nilang tinanggap.

Kaya bilang ganti sa kabutihang loob ng nasabing Grab Driver ito ay kanilang pinagdasal na nawa’y palaging maging ligtas at lubos pang biyayaan ng ating Diyos. Dagdag pa ni Jhane itong pagbabahagi niya ng kanyang post sa kanyang Facebook ay bilang pagbibigay papuri na rin kay Mr. Ronald De Guzman sa kanyang nagawang kabutihan.

Sa ngayon ang post na ito ay may may 36,000 libong shares at 76,000 reaksyon, na may magagang komento para kay kuya. Narito ang ilang komentong papuri ng ating mga netizens.

“May you tribe increased, kuya. And may God rewards you a hundred and forty folds for your generosity and good heart!”

” One of the few good men blessed with true compassion by GOD, JESUS CHRIST. May you always be protected from all forms of harm in and out of your home withvyour family. GOD bless you.”

“Marami pa talagang may mabuting Kalooban at Ginintuang Puso Mabuhaybpo kayo Sir at Naway Patuloy na Pagpalain ng Poong Maykapal at Palaging Gabayan at ilayo sa ano mang Uri ng Kapahamakan.GOD BLESS YOU SIR and YOUR FAMILY ALWAYS.”

“Winner pa rin ang mababait against sa masasamang tao kahit marami na sila. Meron isang binata napulot nya yong nahulog na celfone ng asawa ko. Binalikan nmin at nghintay sya para ibigay sa amin yong celfone. Salamat sa lahat na may mabuting puso at sana pagpalain kayo ng Panginoong Dios!”

Tunay nga na nakakataba ng puso ang pagtulong sa kapwa, Ano ang masasabi mo dito ibahagi sa pamamagitan ng pagkomento sa ibaba.

{source}

Sponsored Links
Loading...

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here