Sponsored Links

Hindi maikakaila na isa na talaga sa hinangaang bituin ang datin Pinoy Big Brother housemates na si Kim Chui. Simula ng pumasok ito sa mundo ng showbiz noong taonng 2006 ay hindi na ito lubayan ng napakaraming proyekto, Sa pelikula man o sa telebisyon ay palagi itong may ganap bukod pa ang kaliwa’t kanang nitong endorsement ng mga sikat at nangungunang produkto sa merkado.

imahe mula sa YT | Kim Chui
imahe mula sa YT | Kim Chui

Kung gaano katanyag si Kim Chui sa showbiz ngayon ay dahil na rin sa kanyang angking galing sa pag-arte bukod sa kagandahan at kabaitan nitong taglay. Simula taong 2006 hanggang ngayon hindi malayong makapag pundar ng iba’t-ibang gamit ang tinaguriang chinita princess ng showbizness.

imahe mula sa YT | Kim Chui
imahe mula sa YT | Kim Chui

Bukod sa bahay at iba pang-personal na gamit nariyan din ang kanyang kahanga-hangang sasakyan, mistula itong maliit na tahanan ayon sa paglalarawan ng aktres. Sa kadahilan ang isang kagaya nya na masyadong abala sa kanyang trabahong pang-artista hindi maiiwasan na marami itong kagamitan na kailangang madala sa bawat lugar na kanyang mapupuntahan.

imahe mula sa YT | Kim Chui
imahe mula sa YT | Kim Chui

Kaya naman naisipan nitong ipa-customized ang kanyang van base sa kanyang panlasa at pangangailangan. Ang starstudio,ph ay nagsagawa ng mini van tour sa nasabing sasakyan. Tiyak na mamangha sa ganda nito at kung tutuusin ay maaari ka ng tumira dito. Maituturing nga itong isang maliit na condominium kung saan maaari kang makahiga, kumain ng komportable.

imahe mula sa YT | Kim Chui

Sa loob pa nito ay mayroon mini make-up/hair dresser, isang aparador na puno ng mga outfits, isang telebisyon na may pagtutugma ng sound system at iba pa. Sa likod ng kanyang van doon naman nakalagay ang kanyan oven at mga damit.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here