Sa panahong dumadanas ang ating mundo ng pighati at kalungkutan sa ating pamayanan, bilang tao ang hirap na sasabayan mo pa ito ng hindi magadang vibes sa buhay. Mas mainam na hanapan natin ng positibong pananaw ang bawat masalimuot na sitwasyong nagaganap sa ating buhay.

Kung makakasalamuha natin ang mga taong tulad ni Ma’am Noemei L. Oronan na siyang ipinagmamalaki ng Paaralang Elementarya ng Mikit. Si Ma’am Noemi ay teacher ng mga Kindergarten student at sa unang araw pa lamang ng pasukan nagpamalas na ito ng kanyang kabutihan loob sa mga mag-aaral. Namigay ito ng mga tsinelas at pagkain kung saan makikitaan mo ang mga batang mag-aaral ay todo ang ngiti sa kanilang labi na siyang hangarin naman ng ulirang guro.

Si Ginang Nancy M. Oronan na siyang tagapamahala sa nasabing paaralan ay labis ang paghanga sa ginawa ng kanyang guro, ayon dito sa kabila ng pandemya kung saan lugmok ang moral ng karamihan ay nakuha pa umanong ibahagi ni Teacher ang kakarampot na biyayang kanyang natatanggap. Hindi man maganda ang kasalukuyang sitwasyong ating kinakaharap minabuti pa rin ni Teacher Noemie na maghatid ng saya.

Marahil ito rin ang paraan ng ulirang guro upang ang mag-aaral ay sipagin at magkaroon muli ng interes na pumasok sa paaralan, marami sa ating kabataan ang matagal na nabakante at halos ikinapanibago ng mga ito ang pagpasok muli sa eskwelahan.

Ang tulad ni Teacher Noemie ay siyang inspirasyon sa karamihan at ang kanyang kabutihan ay likas na sa kanyang pagkatao. Hindi man marangya ang naging pamumuhay ni Teacher makikitaan pa rin ito mabuting kalooban na siyang higit pa sa yamang maituturing.

Narito ang buong post mula sa DepEd Schools Division of Davao Oriental
