Home News Saklap, dating OFW at breadwinner ng pamilya noon, ngayon na daw ay pabigat na lamang sa kanyang pamilya

Saklap, dating OFW at breadwinner ng pamilya noon, ngayon na daw ay pabigat na lamang sa kanyang pamilya

0
Saklap, dating OFW at breadwinner ng pamilya noon, ngayon na daw ay pabigat na lamang sa kanyang pamilya
Sponsored Links

Hindi naman maikakaila na ang pagiging #ofw o Overseas Filipino Worker sa kasalukuyan ay tinaguriang modern hero ng ating bansa. Marahil dahil sa sakripisyo nila abroad na siyang nagkakapagbigay ginhawa sa ating bansa maging sa kanilang pamilya. Hindi biro ang mag-trabaho sa ibang bansa na mag-isa, habang ang pamilya mo nasa Pilipinas.

Ang pangungulila sa bawat araw na lumilipas, ang walang kasiguraduhan sa bansang iyong tinuring na sariling bayan at ang masaklap na katotohanan sa tuwing magkakaroon ka ng karamdaman ay sarili mo lamang ang iyong karamay. Ang katotohanan malungkot mag-isa lalo na kung ikaw ay nasa malayong lugar, ang tanging magagawa mo lamang ay video call para sa pamilya mo at ito ang kadalasan nakakapag alis ng lungkot.

Salamat na lamang nga sa panahon ngayon ay may makabagong teknolohiya, ngunit ang mga ito kung minsan hindi nagiging sapat. Tulad ng isang sa isang facebook page na DUBAI Kabayan kung saan sinasabi makikita sa isang larawan na may nakasulat na “Tinulungan ko sila noon bakit pabigat na ako sa kanila ngayon”, Marahil malalim ang dahilan kung bakit nasambit sa lawaran ang mga katagang kanyang nabitawan.

Kung ating susumahin ito dahil sa mga panahong masagana at malakas pa ang pangangatawan ni Lolo bilang #ofw ay siyang naging sandalan ng kanyang pamilya ngunit ng siya naman ay nasa Pilipinas na upang mag for good kung tawagin ng iilan, ay wala itong naasahan sa kanyang pamilyang tinulungan.

Ito ang aral sa post o sitwasyon na ganito kahit gaano ka man kalakas sa kasalukuyan darating ang panahon na ikaw ay manghihina at uuwi ka rin sa bansang iyong pinanggalingan. Matuto tayong mag-ipon pahalagahan ang sarili huwag ubos biyaya at kahit nagbibigay tayo sa ating pamilya magtabi naman tayo para sa ating sarili para kung dumating man ang panahon, tayo mismo ay hindi na aasa kanino man.

Narito ang kabuuan ng post mula sa DUBAI Kabayan #ofw facebook page:

10,20 years abroad. Pinag-aral ang kapatid,anak,pamangkin.
Nong umuwi sa pinas at mag for good na ay walang gaanong ipon.
Umasa sa anak,kapatid,pamangkin kasi sabi sila naman ang tutulong. Biglang nag asawa si anak,kapatid,pamangkin.Naiwan kang windang Kung saan kukunin ang araw araw na gastusin.😐
Sino ngayon ang kawawa?
Masaklap na katotohanan.
Wag ipagsawalang bahala.
Mag ipon
Mag plano
Mag siguro
Para hindi sapitin ang ganito…
Tandaan na di masama ang tumulong pero kilangan magtira parin para sa sarili para kahit papano may pera Kang maiuwi sa pinas. Di habang Panahon ay malakas pa ang iyong pangangatawan. Di habang buhay ay bata pa, habang tumatagal ay papunta tayo sa katandaan. Hihina ang ating pangangatawan Kaya mabuting gawin ay mahalin ang sarili. Habang bata pa at malakas ang pangangatawan ay mag Ipon at magpundar ng negosyo para kahit papano ay may nakaalalay sayo kahit wala kana sa abroad. Maging masinop at pahalagahan ang iyong sinasahod habang na sa abroad pa

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here