Sponsored Links

Kape ang isa sa mga bagay na kumukumpleto sa ating mga umaga. Masarap ang kape lalo na kapag taglamig at maulan ang panahon. Nakakatulong itong mawala ang antok at tamlay at makapagpatuloy sa trabaho. Kaya naman ito ang naging negosyo ng magkapatid kasama ang kanilang pinsan.

credit to Johndoe Gallegos | Facebook

Marami na ang nagtitinda at nag nenegosyo ng kapehan ngunit kakaiba ang kapehan ng magkapatid na sina Johndoe at Kim Martin Gallegos kasama ang kanilang pinsan na si Bill Lawrence Estacio. Pinangalanan nilang Coffee Bros ang kanilang kapehan sa gilid lamang ng kalsada sa na matatagpuan sa Candaba-Baliuag Road sa Pampanga.

credit to Johndoe Gallegos | Facebook

Bukod pa sa masarap na kape, maganda din ang tanawin kung saan makikita ang malawak na palayan na magandang kuhanan ng mga larawan.

Katulad din ng ibang nagnenegosyo, nagsimula sila na matumal ang benta at wala pa halos bumibili ng kanilang kape.

credit to Johndoe Gallegos | Facebook

“Nung nagsimula po kami, three customers lang kami. Pinsan lang namin ‘yung dalawa bumili,” saad ni Johndoe. Ngunit hindi sila huminto sa pagbebenta dahil naniniwala silang magiging okay din ang kanilang negosyong Coffee Bros.

“Nag-eenjoy po kami sa ginagawa namin. Plus, sa mga taong namamahangha sa paggawa namin ng kape… Masaya na kami. Dahil manual lang po lahat ng gamit naming. At ang importante po is nagiging aware po ang mga tao sa mga lokal natin na coffee beans at local coffee farmers at kung anong sarap ng ating local coffee.” dagdag pa ni Johndoe.

credit to Johndoe Gallegos | Facebook

Sa kanilang simpleng pamamaraan, nakakatulong umano ang magkakapatid at kanilang pinsan upang suportahan ang mga local coffee farmers sa bansa lalo na sa North Luzon, Sagada, Baguio, and Kalinga.

Iba’t-ibang flavors din ng kape ang kanilang binibenta katulad ng hazelnut, vanilla, double choco, at caramel.

credit to Johndoe Gallegos | Facebook

“Marami rin po ang na-inspire nagstart ng business nila dahil nung nagpost po ako sa mga groups ng kape dito sa Pinas. Doon pa lang masasabi ko matagumpay na shop namin dahil sa daming na-inspire sa amin,” saad pa nila.

Ngayon ay umaabot na sa 100 cups ang kanilang naibebentang kape sa kanilang Coffee Bros na nagbubukas lamang sa 5am-9am.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here