Home News Libreng tinapay ipinamimigay ng isang Bakeshop sa isang Barangay sa Sultan Kudarat, Mindanao

Libreng tinapay ipinamimigay ng isang Bakeshop sa isang Barangay sa Sultan Kudarat, Mindanao

0
Libreng tinapay ipinamimigay ng isang Bakeshop sa isang Barangay sa Sultan Kudarat, Mindanao
Sponsored Links

Ang tinapay ang isa sa mga pinakapantawid-gutom ng maraming Pilipino, kaya naman maraming panaderya na ang nagsulputon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Sa dinami-dami ng bakeshop sa bansa, nakakita ka na ba ng bakeshop na libre ang mga tinapay?

Isa sa mga kamangha-manghang panaderya ang usap-usapan, hindi dahil sa kakaibang tinapay, kundi dahil ka kakaibang serbisyo na binibigay sa mga tao.

photo credit to Khalid Sanchez | Facebook

Kakaiba ang panderyang ito sa Sultan Kudarat sa Maguindanao na tinawag na Charity Bakeshop sa Barangay Dumalangcob. Ito ay pagmamay-ari ni Khalid Sanchez at kakabukas lamang nito noong Nobyembre noong nakaraang taon.

“Itong tinapay po ay isang pagkain na may isang milagro… Hindi naman po ako na-bankrupt. In fact, para pa ngang natulungan ang negosyo ko,” saad ng may-ari na nagmamay-ari din ng iba pang negosyo.

photo credit to Khalid Sanchez | Facebook

Umaabot umano sa 2,000 pirasong tinapay ang ipinamimigay lamang ng libre sa mga batang palaboy-laboy sa daan at mga mahihirap na pamilya na halos ay walang makain sa araw-araw. Napakalaking tulong nito sa maraming taga Barangay Dumalangcob.

Isa lamang ang kundisyon ng libreng tinapay, at ito ay doon lamang kakainin ang tinapay at bawal umanong bitbitin at dalhin kung saan.

photo credit to Khalid Sanchez | Facebook

“Wala pang ganito sa Pilipinas. Sabi ko, ‘why not umpishan ko?’ kasi ang mga tao may problema rin sa pagkain,” dagdag pa ni Khalid. Ang may-ari ay nakapag Hajj o Islamic pilgrimage sa Mecca noong taong 2011.

Maaring nakita ito ng may-ari sa ibang bansa at kaya ito naka-isip ng ideya na dalhin din sa Pilipinas upang makatulong sa kapwa Pinoy lalo na sa panahon ngayon na marami ang nawalan ng hanapbuhay at naghihirap makahanap ng pagkain para sa pamilya.

photo credit to Khalid Sanchez | Facebook

Simula umanong nagbukas ng panaderya si Khalid at nagbigay ng mga libreng tinapay ay mas lalo siyang nakatanggap ng maraming biyaya.

Dahil sa positibong result anito, nagpaplano pa si Khalid na dagdagan ang mga pinagagawang tinapay upang makapagbigay ng aabot sa 10,000 pirasong libreng tinapay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here