Sponsored Links

Maraming tao ang mapanghusga base sa panlabas na kaanyuan na nakikita nila sa kanilang kapwa. Kapag ikaw ay nakasuot ng mumurahin na damit na hindi maganda, naka tsinelas, maaring ay hindi ka papansinin ng mga saleslady sa loob ng mall, pero kapag ikaw ay nakasuot ng magarang damit, may suot na alahas, at nakaporma ng maayos, mas Mabuti ang kanilang pakikitungo sayo.

credit to good times
credit to good times

May mga tao talaga na likas na sa kanila ang manghusga at manakit ng damdamin ng kanilang kapwa. Sa isang nakaka-awang kwento ng isang single mom sa Ho Chi Minh sa Vietnam, magpapakasal n asana umano sila ng kanyang boyfriend at mayroon din silang anak. Subalit, hindi umano pumayag ang ina ng lalaki dahil ayaw nila sa itsura ng babae at hindi umano ito nababagay sa kanilang anak.

credit to good times
credit to good times

Pinagtawanan at inisulto nila si Huyen. Ayon pa sa ina ng lalaki na mas mabuting maghanap nalang siya ng ibang babae na maganda upang mabigyan din sya ng magandang anak. Nakinig naman ang lalaki sa hindi mabuting payo ng kanyang ina at iniwan ang girlfriend.

credit to good times
credit to good times

Naging masakit at mahirap ito para kay Huyen pati na rin sa kanilang anak na iniwan ng ama. Ngunit hindi nagpatalo ang 28 taong gulang na si Huyen at pinagpatuloy nya ang kanyang buhay. Naghanap sya ng trabaho at pinalad naman na makapagtrabaho ng maayos sa siyudad ng Vietnam.

credit to good times

Nakapag-ipon ng maraming pera si Huyen at nagkaroon ng magandang buhay. Napagdesisyunan nito na magpaayos ng kanyang mukha. Nakakabilib talaga ang pinagbago ng kanyang anyo at ngayon ay hindi mo makikilala na sya si Huyen, ang babaeng nasa lumang larawan dahil napakaganda na nito at mukha na syang isang artista at modelo.

Nais umano ng ex ni Huyen na makipagbalikan sana sa kanya ngunit ipinangako umano nito sa kanyang sarili na hinding-hindi na hahayaan na bumalik pa ang kanyang ex dahil hindi sya nagawang tanggapin sa kanyang tunay na anyo noon.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here