Home News Tinawag na “Hero Baby” ang Isang Filipino Baby sa California, Matapos na makapagligtas tatlong buhay sa pamamagitan ng mga organ nito

Tinawag na “Hero Baby” ang Isang Filipino Baby sa California, Matapos na makapagligtas tatlong buhay sa pamamagitan ng mga organ nito

0
Tinawag na “Hero Baby” ang Isang Filipino Baby sa California, Matapos na makapagligtas tatlong buhay sa pamamagitan ng mga organ nito
Sponsored Links

Minsan may mga pangyayari sa ating buhay na sadyang hindi natin inaasahan kagaya na lamang ng biglaang paglisan ng isa sa ating mga mahal sa buhay. Masakit man at mahirap ngunit ito ay isang katotothanan na hindi natin mapipigilan, at wala itong pinipiling kasarian, edad, at estado sa buhay.

Samantala, sa kabila ng kanyang pagkawala ay tatlong buhay naman ang nagkaroon ng pag-asa na mabuhay.

Isang masayahin at malusog na bata si Leopaul Sanchez o baby Leqsus ngunit naging maiksi lamang ang kanyang buhay sa mundo. Isang taon at apat na buwan lamang sya umano noong nasangkot ito sa isang car accident sa King’s County sa Amerika.

Tumagal umano ito ng halos dalawang buwan sa ospital at nagbabaka sakali din ang kanyang mga magulang at pamilya na magkakaroon ng milagro. Ayon sa pagsusuri, nagkaroon umano ng brain damage at spine injury si baby Leqsus dulot ng malakas na impact ng aksidente.

“We keep asking God for miracles. Hindi namin na realize na yung miracles na hinihingi naming ay sya pala mismo. Si Leqsus nasa harapan na pala naming. Siya pala mismo yung miracle. He’s a miracle to the other people na asking for miracles”, pahayag ng kanyang ama sa isang interview.

Masakit at mahirap para sa kanyang mga magulang ang kanyang kinahinatnan dahil isang araw ay dineklara nang brain dead ang bata. Napag-alaman naman nila mayroon pasyente sa parehong ospital kung saan naka admit si baby Leqsus na may dalawang sanggol at isang matanda na nangangailangan ng organ donor.

Napagdesisyunan na lamang ng mga magulang ni baby Leqsus na idonate ang organs nito upang makadugtong sa ibang sanggol na nangangailangan. Ayon pa sa kanila, iniisip na lang nil ana buhay pa ang anak sa ibang katauhan.

Bago pa man inilabas si baby Leqsus sa ospital ay binigyan sya ng “honor walk” ng mga staff ng ospital dahil sa isang napakalaking kabayanihan para sa ibang tao.

Hiling at dalangin naman ng kanyang mga magulang n asana ay makilala din nila balang araw kung sino man ang makakatanggap ng organs ni baby Leqsus.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here