Sponsored Links

Habang may buhay may pag-asa. Maraming mga matatagumpay at mayayaman na mga tao ngayon ang nagsimula lamang sa mahirap at payak na pamumuhay. Hindi nga naman imposible kapag may tyaga, sipag, at pagsusumikap na maiahaon ang buhay.

photo by KJMS

Ito ay ipinatunayan din ng isang pamilya na tampok ang kwento sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho”. Ayong sa kwento, ang pamilya ni Aling Helen ay dumaan sa matinding hirap bago pa nila marating ang estado ng kanilang buhay ngayon.

photo by KJMS

Pagsasaka lamang ang kanilang pinagkukunan ng kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ayon pa sa kwento, hirap silang makabili ng maayos na pagkain dahil ang kinikita nila sa pagsasaka ay sapat lamang na ipambili ng bigas at bagoong na kanilang pinagkakasyang inuulam.

Dahil salat sa hirap, kinailangan nilang mangutang ng kanilang puhunan upang panggastos sa kanilang pagsasaka at makabenta ng kanilang pananim. Unang nangutang sina Aling Helen ng 50, 000 pesos upang ipuhunan sa Indian mango at pakwan na ibebenta sa Maynila. Hindi ito naging matagumpay dahil marami umano ang nabulok at nasira.

photo by KJMS

Umuwi na lamang sila ng Aklan at doon ipinagpatuloy ang pagsasaka. Sumunod naman ay nanghiram naman sila ng 300, 000 pesos upang ipuhunan sa mga pataba at binhi. Naging matagumpay na sana ito dahil umabot sa 1.2 milyon ang kanilang kita sa unang tanim. Subalit dumaan ang malakas na baygo at binagyo lahat ng kanilang mga natirang pananim pati na rin ang kanilang tinitirhan na bahay.

Wala mang natira sa kanilang mga pananim at nawala pati na rin ang kanilang bahay ngunit hindi ito naging dahilan upang sumuko na at tumigil sa pagsasaka at pagnenegosyo si Aling Helen at ang kanyang pamilya.

photo by KJMS

Sa kalaunan ay hindi lamang nila namalayan na unti-unti na silang nakakabawi at sobra-sobra pa ang kinita sa kanilang pagsasaka at pagbebenta ng kanilang mga produkto.

photo by KJMS

Ngayon mayroon na silang isang malaking bahay na sarili at may mga sasakyan na rin na naipundar. Nagbunga na din ang kanilang matagal na pagtityaga at hindi pagsuko sa mga pagsubok sa buhay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here