Sponsored Links

Nauuso ngayon ang pag-gamit ng Internet upang makapagtrabaho, makapag-meeting, makadalo sa klase, makapag shopping, at makabili ng pagkain. Ito na ang new normal na sinasabi natin ngayon. Lahat halos ay online na. Wala din naman masama sa online transactions dahil napapabilis at napapadalai ang buhay.

Sa kabilang dako, marami din itong mga maaring negatibong resulta. Maaring maloko sa mga online transactions lalo na kapag hindi mo kakilala ang iyong ka transaksyon. May mga pagkakataon din na hindi ka nasisiyahan sa iyong nabili dahil iba ang aktwal na itsura ng bagay kumpara sa larawan na naipost online.

Samantala, sa kabila ng maraming mga pagpipilian na shops at mga bilihin online, hindi ka pa rin makakasiguro na 100 porsyento na masisiyahan ka sa iyong nabili at masasabi mong sulit ang iyong nagastos.

Kagaya na lamang ng ibinahagi na karanasan ng ina ng netizen na si Gio Lumines. Ayon sa post ni Gio, bumili daw ng cabinet ang kanyang in ana nagkakahalaga ng Php700.00 pesos.

“Bumili si mama ng cabinet, P700+ sa lazada. Tas nagtaka siya kung bakit may nagdeliver ng box na maliit, di niya alam kung ano yung inorder niya na ganun. Yung cabinet pala, debale cute naman,” banggit ni Gio sa kanyang Facebook post.

Nagulat umano sila noong dumating ang cabinet at hindi nila inaasahan na nakalagay ito sa pouch dahil ang pag-aakala ng ina nito ay Malaki at totoong cabinet na mapapaglagyan ng gamit ang kanyang nabili.

Naging usap-usapan ang post na ito ni Gio. Marami ang natawa, at marami din naman ang nagkomento na nagpapaalala ng mga tamang gawin kapag nag-oorder online.

Marahil ay hindi nabasa ng in ani Gio ang sukat at dimension ng cabinet noong ito ay kanyang nabili. Maaring sa mga larawan lamang sya bumase ng itsura ng cabinet.

Sa kabila na mainis ay natawa nalang din sila, ngunit hindi maikakaila na nasayang ang pera ng kanyang ina dahil hindi naman nila magagamit ang cabinet maliban sa gawin itong palamuti at display.

Isa itong paalala sa ating lahat na maging masuri at maingat sa lahat ng transaksyon lalo na kapag online.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here