Home News Viral Teenager Kumikita ng 90,000 sa Isang Buwan Dahil sa Pagnenegosyo Online sa Gitna ng Pandemya

Teenager Kumikita ng 90,000 sa Isang Buwan Dahil sa Pagnenegosyo Online sa Gitna ng Pandemya

0
Teenager Kumikita ng 90,000 sa Isang Buwan Dahil sa Pagnenegosyo Online sa Gitna ng Pandemya
Sponsored Links

Isa ka rin ba sa mga nawalan ng trabaho noong nagsimula ang COVID-19? Kung hindi, mapalad ka parin dahil kahit papaano ay mayroon kang trabaho at income, na karamihan sa ngayon ay wala at hirap parin makahanap.

photo credit to Los Churreros PH | Facebook

Hindi nga biro ang pinagdadaanan ng maraming tao ngayon di lamang sa bansa pati narin sa buong mundo lalo na sa mga bansang labis na apektado ng pandemya.

Subalit kamangha mangha ang kwento ng isang estudyante na sa gitna ng COVID-19 ay may malaking kinikita sa kanyang negosyo.

photo credit to Los Churreros PH | Facebook

Napag-isipan ni Daniella Susana na magbenta ng churros ng Los Churreros Churreria sa Facebook at Instagram na umanoý nagsimula lamang sa anim na libong pisong puhunan. “I started selling them in the last week of May this year. I read feedbacks about the brand and its products first.” Then, I sent a message on their Facebook page to inquire. I ordered 100 tubs for my first batch. My capital was around PHP6,000,” wika ni Daniella.

Ayon kay Daniella, ginamit niya ang kanyang kaunting ipon at humingi ng kaunting pandagdag sa mga magulang upang maging panimulang puhunan nito sa negosyo online upang makatulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.

photo credit to Los Churreros PH | Facebook

Nakabenta umano ito ng aabot sa 400 tubs na churros sa isang linggo kaya umabot ng 90, 000 pesos ang kanyang kinita sa buong buwan.

Ayon naman sa ulat ng PEP, si Daniella umano ay nakapagtapos ng pag-aaral sa St. Paul College of Bocaue at isang consistent na student leader sa kanilang paaralan. Nais umano nitong makapag-ipon sa nalalapit naman na pasukan sa kanyang pag-aaral sa De La Salle University-Manila at kukuha ng kursong Financial Economics and Accountancy.

https://www.facebook.com/LosChurrerosPH/posts/1478122529039785

Ayon pa kay Daniella, nais nitong mahikayat ang ibang kabataan na maging madiskarte sa buhay at gamitin ang social media sa makabuluhang bagay na makakaambag sa ikakabuti ng buhay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here