Sponsored Links

Isa sa mga kakaibang katangian ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng close-family ties, kaya’t kahit na matanda na ang mga anak at apo ay nakatira parin ito sa mga magulang o sa mga lola at lolo. Katulad lamang ng isang kwentong sa KMJS kung saan ang isang 75-taong gulang na lolo ay nag aalaga sa isang taong gulang na apo at dala-dala pa sa pagsasaka.

Si Lolo Juanito at ang kanyang asawa na si lola Rosita na 65 taong gulang ang nag-aalaga kay Javel at dala-dala rin ito hanggang sa kanilang bukid na sinasaka sa New Corella, Davao del Norte.

Hindi biro ang daan patungo sa sinasakang bukid ni lolo Juanito dahil masyadong matarik, at maputik ang daan lalo na kapag panahon ng tag-ulan. May inaakyat pa umanong talampas habang pasan-pasan si baby Javel na nasa 15-kilo ang bigat. Dagdag pa umano ang malabong paningin na nagpapahirap sa kanya.

“Napapagod ako. Nag-iiba na ang aking pakiramdam. Syempre, kailangan nating kumilos sa araw-araw. Kung hindi naman tayo kumilos, wala tayong makakain”, wika ni lolo Juanito.

Sa gitna ng pandemya at sa kabila ng kanilang katandaan ay kumakayaod parin sina lolo at lola dahil yun lang daw ang kanilang paraan upang makapag-hanapbuhay at makakain sa araw-araw.

Kahit magkalapit lang ang bahay ng mga magulang ni Javel sa bahay nila lolo Juanito ay iniwan umano ang bata sa lolo at lola nito dahil kinailangan magtrabaho ni Angel, and ina ni Javel, bilang isang kasambahay. Nagtatrabaho din ang tatay nito bilang pintor. At dahil anim na buwan palang ng iniwan ang anak sa kanyang lolo at lola, nakasanayan na umano sa kanilang piling at umiiyak kapag kinuha ng nanay nito.

Bukod sa pag aalaga kay Javel, tinuturuan umano ito ni lolo Juanito dahil ayaw nitong maging kagaya nilang hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

“Ang gusto ko, makapag-aral siya. ’Yang aking apo sinasabihan ko na, ‘huwag kang magganyan. Ikaw, kapag lumaki ka na, pagsikapan mo na makapag-aral ka. Para walang makakuwan sa’yo at may sarili kang pag-iisip”, wika ni lolo Juanito.

Isang malaking bagay ang pagtulong ng KMJS sa pamilya ni lolo Juanito at lola Rosita dahil ipapagamot ang kanilang mata, ipapa check-up sila at binigyan ng mga groceries at mga gamit sa pang araw-araw.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here