Home News Kinabigla ng ilan ang ginawang ito ng Guro sa Estudyanteng walang maisagot sa exam

Kinabigla ng ilan ang ginawang ito ng Guro sa Estudyanteng walang maisagot sa exam

0
Kinabigla ng ilan ang ginawang ito ng Guro sa Estudyanteng walang maisagot sa exam
Sponsored Links

Bilang estudyante hindi lamang pag-aaral ang iniintindi nariyan din ang iba pang suliranin sa buhay kaya naman kung minsan napapabayaan narin ang pag-aaral. Lalo sa panahon ngayon maraming mag-aaral ang dumadanas ng pagsubok dahil na rin sa mga nakaraan krisis na kinakaharap ng ating mundo. Bukod pa dito ang hirap ng buhay kung saan minsan wala na maitustos sa pag-aaral kung may kinakailangan sa paaralan.

flicker

Hindi natin alam ang bawat pinagdadaanan ng mag-aaral sa kanilang buhay, may ibang sobrang masalimuot kaya naman hindi na rin nagagawang makapag-aral o maging handa pagdating sa paaralan. Kaya naman minsan na naging laman ang larawang ipinost ng isang guro. Ayon sa kanya ang ibinahagi niyang post sa socmed ay para lamang makapagbigay ng appreciation sa iba’t ibang uri ng mag-aaral lalo na sa isa niyang estudyante.

Sa panahon ng pagsusulit ng mga ito ay walang naisagot ang bata sa takdang pagsusulit subalit mayroon itong iniwan na kataga sa kanyang papel at ang sabi “Sorry po Sir, hindi po ako nakapag-review at ayaw ko po mag-cheat kaya wala po ako sagot (sad emoji) please appreciate”.

Cassandra Marie Ismael | Facebook

Ang mga katagang ito ang tumanim sa kanyang damdamin kaya imbes na makagalitan nito ang bata ay nabigla pa umano sa kanyang nakita. Dahil para kay teacher “VALUES is more important than having a HIGH GRADES with me”. Persepsyon ko po yon, yun po ako.

Ang tunay pala na rason ay dahil wala ang bata noong araw na naglesson sila patungkol sa pagsusulit na iyon. Ayon pa kay teacher inabisuhan naman niya ang lahat ng kanyang estudyante na mag-aral ngunit laking gulat na lamang niya kung bakit alam ng bata na mayroon silang pag-susulit.

google

Kalaunan napag-alaman ni Teacher ang tunay na rason ng pagliban ng bata, ito’y sa kadahilanang naaksidente pala ito sa hindi malamang dahilan. Ang naging pagtugo ng guro sa kanyang mag-aaral ang kinabiliban ng mga netizen ganun din ang pagiging matapat ng bata sa kanyang sarili. Kung ating iisipin bibihira nga naman ang ganitong pangyayari na maging tapat ka sa iyong sarili sa oras ng pagsusulit. Ang kakatotohan sa mga ganitong sitwasyon ay hindi mo hahayaan maging blanko ang iyong papel at gagawa ng paraan may maisagot lamang dito kahit na kaunti.

Saludo at papuri sa batang mag-aaral at sa kanyang guro na hindi inuna ang emosyon bagkus namutawi sa kanyang damdamin ang pagiging mahinahon at inalam muna ang katotohan sa likod ng hindi magandang pangyayari.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here