Home News Marami ang naantig at napabilib sa isang delivery rider, baliko man itong lumakad ngunit derecho sa pagtratrabaho upang may matustos sa kanyang pamilya

Marami ang naantig at napabilib sa isang delivery rider, baliko man itong lumakad ngunit derecho sa pagtratrabaho upang may matustos sa kanyang pamilya

0
Marami ang naantig at napabilib sa isang delivery rider, baliko man itong lumakad ngunit derecho sa pagtratrabaho upang may matustos sa kanyang pamilya
Sponsored Links

Sobrang daming dumadanas ng hirap sa panahon ngayon, marami sa ating kababayan ang dumadaing ngunit ano pa nga ba ang ating magagawa kung patuloy lamang sa pagdaing hanggang kumalam ang sikmura. Hindi ba mas kinakailangan kumilos at magbanat ng buto kaysa walang maihatag na pagkain sa lamesa.

Larawan mula kay Avril Avril Avril | Facebook

Maraming trabaho kung tutuusin ngunit kailangan mong magtyaga upang makasungkit man ng isa, marahil sa dami ng taong nag-aaplay at iilan lamang sa kompanya ang natatanggap. Ngayon kung hindi mo pa ito kikilusan at mananatili kang nakaupo lalong walang mangyayari sa ating buhay..

Kaya naman minsan naibahagi ng netizen ang isang may kapansanan na delivery rider ngunit patuloy ang patas na paglaban nito sa buhay ay marami ang nahabag ngunit sa kabila naman nito ay napahanga dahil na rin sa kabila ng kanyang kakulangan dinaig pa nito ang isang normal na tao kung magtrabaho.

Larawan mula kay Avril Avril Avril | Facebook

Kaya naman sa post ni Arvril labis at taos puso ang paghanga nito sa  matandang delivery rider na hindi na pinangalanan. Bagaman makikita sa larawan na ang paa ni tatay ay isang bakal o maaaring prostetic na. Sa hindi malaman kadahilanan, kung ano ang nangyari sa kanyang paa. Nanaig pa rin sa iilan ang paghanga sa matandang delivery rider.

Umani ng papuri at magagandang komento ang rider, kulang man ang bahagi ng pangangatawan nito buo naman ang puso at hangarin nito matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Larawan mula kay Avril Avril Avril | Facebook

Kaya sana ang isang simpleng post na naibahagi ni Avril ay magbigay inspirasyon sa karamihan lalo na sa mga taong nawawalan ng pag-asa sa buhay.  Narito ang kabuuang post ni Avril “Shout out kay tatay na napahanga ako ngayong araw. Eto ang tunay na masipag at madiskarte, lumalaban sa buhay kahit mahirap ang panahon ngayon dahil sa pandemic. Saludo ako sayo tatay kahit na ganyang kalagayan mo hirap ka maglakad diretso kpa din sa pag tatrabaho, kung mapapansin nyo po bakal po ang kaliwang side ng paa ni tatay, kaya hirap po sya tumayo at kahit mabgat po ang pinadeliver ko na dimsum di po sya nag cancel di ko din po kase expected na ganun po kalagayan ni tatay. Basta tatay salute ako sayo.”

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here