Sponsored Links

Kadalasan ang mga hayop ay nakatungo kung kumain lalo na kung ito ay aso o pusa. Bagaman hindi maikakaila na madaling turuan ang mga nabanggit na hayop hindi rin matatawaran ang kakaibang nagagawa ng mga ito kaya naman kadalasan ay napapabilib ang ilan sa mga amo pati na rin ang ilang nakakasaksi dito.

Larawan kuha sa video ni Mary Jean Maribao | Facebook

Katulad na lamang ng isang pet lover na taga Navotas na si Mary Jean Maribao, sadyang mahilig itong mag-alaga ng hayop partikular na ang pusa at aso. Isa sa mga alaga nitong pusa na pinangalanang Tui-Tui ay may kakaibang nakagawian. Ayon sa kanyang amo (Mary Jean Maribao) si Tui-tui ay kumakain na kapareho ng isang tao dahil ito ay nagkakamay.

Larawan kuha sa video ni Mary Jean Maribao | Facebook

Sa video na ipinadala ni Mary sa isang network ipinakita nito kung paano sumubo ng pagkain ang alaga nitong pusa, makikitang kamay nga ginagamit ng bibong pusa. Kagigiliwan mo nga ito dahil hindi lamang mahinahon ang pagkain nito, bagkus nagpapakita pa ito kung gaano siya kaganado kumain sa isang food bowl na walang kahati kung hindi solo niya ang pagkain.

Larawan kuha sa video ni Mary Jean Maribao | Facebook

Sambit ni Mary ang pusang si Tui-tui ay kanilang inalagaan noon pa man dahil may kondisyon itong hindi nakakatayo, ganun pa man ang nasabing pusa ay ginulat sila ng magpakita ito kung paano kumain. Kakaiba sa iba pa nilang alagang pusa si Tui-tui ay gumagamit ng kamay, pagbibiro pa nga ni Mary sinasabihan niya itong huwag magkakalat at sumusunod naman ito.

Larawan kuha sa video ni Mary Jean Maribao | Facebook

Sa ngayon ang video ni Tui-tui ay naging patok sa social media kung saan umani ito ng mga papuri at samu’t saring komento ng mga netizens. Umabot na halos ang 90K libong tao ang nagbahagi ng video at 20K libong komento.

May kakaiba rin ba ginagawa ang inyon alagang hayop na siyang nagbibigay aliw sa inyong pamilya o sa mga taong nakapaligid dito. Maaari ninyong ibahagi at ikomento lamang sa iba.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here