Home News Viral Kwento ng isang tindero ng Lechong Manok at kung paano siya kumikita ng higit sa 100K kada buwan

Kwento ng isang tindero ng Lechong Manok at kung paano siya kumikita ng higit sa 100K kada buwan

0
Kwento ng isang tindero ng Lechong Manok at kung paano siya kumikita ng higit sa 100K kada buwan
Sponsored Links

Likas na sa atin ang salitang “Mag-aral ka ng Mabuti para makakuha ka ng magandang trabaho”. Bagay na totoo din naman at talagang pinaniniwalaan ng lahat. Isa ito motivation para sa mga batang nag-aaral pa lamang. Ang iba ay naniniwala ding mas kikita sila kapag nagkaroon sila ng maayos ng trabaho. Tama din naman, papasok sa opisina at sasahod ng naaayon sa offer ng kompanya. Ngunit sa iba ay hindi ito ang pananaw.

Mayroong ibang tao na mas yumayaman sila sa diskarte o sa pagtitinda katulad na lamang ng isang kwentong ibinahagi ng isang netizen na si Mark Anthony Pascua tungkol sa isang tindero ng Lechon Manok. Habang hinihintay ni Mark ang kanyang biniling manok ay hindi niya napigilang makipag-kwentuhan sa vendor.

Bumili ng lechong manok si Mark sa halagang 230php. Nabanggit ng vendor na siya ay nakapag bebenta ng halos 40pcs na manok . habang si Mark ay pauwiay patuloy ang kanyang paghanga sa kinikita ng vendor kumpara sa kanyang pumapasok sa opisina. Sobra- sobra pa sa minimum wage ang kinikita ng vendor. Hindi sukatan ang taas ng pinag-aralan at trabaho para lamang masabing maunlad ang isang tao. Pagsisipag at determinasyon lamang ay maaari ka ng umangat sa buhay.

Sa kabila ng pag-hanga ni Mark sa vendor ay may mangilan-ngilan ding nagkomenton tungkol sa kung paano ang naging computation ni Mark sa kinita ng vendor.

“Hindi ganun yunh, hindi ganun kadali mag Negosyo. Ako 3 branch ko hanggang ngayon dipa ako mayaman eh, mali ang computation nyan, puro kabig lang ang kinompute,: ayon kay Lester Kasan

Sa kabila ng komentong ito, kahanga-hanga pa rin talaga ang kasipagan ng Vendor. Mayroong iba na mas pinipiling tumambay o gumawa ng masama para lamang kumita. Sa panahon ngayon kung hindi ka didiskarte sa buhay ay hindi ka rin talaga uunlad.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here