Sponsored Links

Sa panahon ngayon bihira na nating masasabi ang mga taong may likas na kabutihan sa puso lalo na kapag usapin sa kalsada, ngunit may ilan pa rin naman na hindi maipagkakaila na talaga naman likas sa puso nila ang tumulong sa kapwa o maging sa kanino man.

Masasabing ganito rin si kuyang Traffic Enforcer matapos mamataan ito ng isang netizens na tinutulungan ang isang baldadong aso makatawid sa kalsada. Hindi man nakuha ang pagkakakilanlan ni Kuyang Enforcer sapat na ito upang makita at maging inspirasyon siya ng mga taong makakapanood o maaring maging halimbawa sa ilan hindi man sa hayop.

Marami din ang kumuwestyon bakit hindi na lamang binuhat ang asong pilay, marahil siguro naroon din ang takot ni kuyang enforcer na baka makagat ito. Naroon na rin ang pag-iingat bagamat natulungan niya ang musmos na asong makatawid sa nais nitong patunguhan.

Saludo at pauri ang inabot ni kuya mula sa mga netizens na nakapanood dito. Nawa’y mag-silbing inspirasyon at tularan ng iba ang simpleng kabutihang ito. Hindi man sa hayop maging sa kapwa natin.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here