Sponsored Links

Kapag talaga isang responsableng magulang ka gagawin mo ang lahat mabuhay lamang at masuportahan mo ang iyong pamilya kahit gaano pa ito kahirap. Ito ang pinatunayan ng isang ama mula sa Sulatan Kudarat na nag-sisikap mangahoy at mag-uuling kahit na iisa lamang ang paa nitong gawa sa Artificial Leg.

image credit to kjms
image credit to kjms

Hirap man sa buhay pilit nitong pinagsisikapan ang matustusan ang pang-araw araw ng pangangailangan ng kanyang pamilya.

image credit to kjms

Ayon kay Mang Jerry nais niyang makatapos ang kanyang mga anak sa pag-aaral, at kahit na halos sira na ang kanyang artificial na paa ginagawa pa rin nito ang lahat ng makakaya. Gustuhin man niya itong palitan ng bago hindi niya ito magawa dahil sa mahal ng presyo nito.

image credit to kjms

“Grabe ‘yung hirap na iisa lang ang paa. Pero kinakaya ko para sa pamilya ko.
Pero kahit anong trabaho, basta kakayanin ng paa ko, gagawin ko para mabuhay lang mga anak ko. ‘Yung artificial leg ko nabasag na siya sa katagalan.

image credit to kjms

‘Yung mga butas, nilalagyan ko lang ng epoxy. Tapos ‘yung gilid, nila-lock ko lang gamit ‘yung goma na galing sa gulong ng truck. Sira na talaga. ‘Yung pakiramdam sa paa ko, parang kinakagat na. Nagsusugat na rin paa ko. Nagkakapaltos na rin kaya minsan, kapag nagtatabas ako, gumagapang na lang ako sa gitna ng maisan.
Sobrang hirap.

image credit to kjms

Pero kung hindi ko kasi titiisin, wala akong ipapakain sa mga anak ko.”
Pahayag ni Mang Jerry

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here