Sponsored Links

Likas sa mga Pilipino ang pagiging matiyaga at masipag, hindi nawawalan ng pag-asa at determinasyon sa buhay lalo na kapag nasa mahirap na mga sitwasyon at pagsubok.

Marami na rin ang mga kwento ng tagumpay ang ating narinig. Mga karanasan na kakapulutan ng aral at inspirasyon.

Kagaya na lamang ng isang kwento na naman na ito na nagpabilib sa publiko. Ang kwento ni Arlene E. Alex, isang dating pulubi at maninisid sa pier na ngayon ay isa nang ganap na guro.

Hindi lingid sa atin na napakahirap ang buhay ng mga pulubi, walang siguradong income at pera na makakasuporta sa mga pang-araw-araw na pangangailangan. Mas lalong napakahirap ang makapag-aral dahil hindi basta-basta ang gastusin lalo na sa kolehiyo.

Ngunit sa kabila ng paghihirap na dinanas ni Alex bilang isa lamang maninisid at pulubi, hindi sya nagpatalo sa hamon ng buhay at masasabing napagtagumpayan niya ang mga ito. Pagkatapos ng ilang taong pagsasakripisyo upang makapag-aral, sa wakas ay isa nang ganap na guro si Alex at hindi lang sya basta-basta guro dahil nakapagtapos pa sya ng kanyang Masteral Degree.

Sa edad na 22-taong gulang, nakamit na nya ang kanyang pangarap na maging guro, at sya ay nagtuturo ngayon sa mga kabataan sa IPED, pati na rin sa ilang mga batang Badjao. Isa syang malaking patotoo at mabuting halimbawa ng totoong determinasyon sa buhay.

Kahit sa kanyang pinagdaanan na pamumulubi at paninisid upang makaipon ng kaunting pera para lamang maitaguyod ang kanyang pangangailangan dahil salat din sa yaman ang kanyang mga magulang, hindi pa rin sya sumuko.

Ayon sa Alex, nais nyang makatulong din sa iba pang mga tao na hirap sa buhay lalo na sa mga batang Badjao na nangangarap din ng maayos na buhay, magkaroon ng edukasyon at makapagtrabaho ng maayos.

Bakas sa mga mukha ni Alex sa kanyang graduation picture, ang say ana kanyang napagtagumpayan ang hirap sa buhay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here