Sponsored Links

Mahirap talaga mabuhay sa mundo na puno ng taong mapanghusga kaya tayo hirap na umangat sa buhay dahil sa mga taong imbes na intindihin ang kanilang sarili at maging masaya na lamang sa tagumpay ng iba mas pinipili ng mga ito makahanap ng ipupula sa kanilang kapwa.

Ganito ang naging istorya ng isang fartory worker na nagngangalang Raul, sa loob ng mahabang panahon nitong pagtratrabaho sa pagbrika ay siyang ganun din ang haba ng kanyang pag-uulam ng tuyo at itlog. Walang araw o breaktime nila na hindi siya nagpalit ng ulam kahit na bagong sahod ang mga ito.

Kaya naman naging tampulan ng tukso at asaran ng mga taong mapanghusga si Raul, madalas siyang makarinig na pinagtatawanan siya ng mga ito at pinapasaringan pa. Kahit na ang mga ito ay matagal na niyang kasamahan sa trabaho. Sa paglipas ng panahon si Raul na lang ang siyang umiiwas sa mga katrabaho nito kaya naman wala itong masyadong kaibigan sa kanilang kompanya.

Isang araw habang nasa kantina si Raul at nagkataon na naroon din ang kanyang team leader, tinanong nito si Raul kung bakit ang ulam na naman nito ay tuyo at itlog. Para naman hindi mapahiya ang binata sinabi na lamang nito na may hinuhulugan siyang bahay at lupa. Ngunit hindi pa rin nagwakas ang pangungutya nito na naririnig na rin ng iba pang nakapaligid sa mga ito.

Matapos ang pangyayari si napansin ng team leader na si Reah na hindi na pumapasok si Raul dahil dito inakala ng iba na naghanap na ito ng ibang trabaho. Ngunit sa isang banda pinatawag ng mataas na pinuno ang mga team leader ay inanunsyo na magkakaroon ang mga ito ng isang bagong tagapamahala o supervisor na titingin sa kanilang mga gawain.

Biglang lumabas ng pinto ang lalaking nakapormal ng suot at matikas na tindig at ipinakilala sa lahat na ito ang kanilang bagong supervisor, Laking gulat ni Reah ng makitang si Raul ang bagong supervisor na ito. Namula sa kahihiyan sa sarili ang team leader na si Reah. Agad na humingi ng patawad si Reah kay Raul ngunit isang ngiti at payo na magsilbing aral ang ginawa nito sa kanya.

Ang ilang natira pang katrabaho ni Raul ay nabigla, isa palang working student ang binata at pumasok bilang supervisor sa kanilang kompanya ng ito ay makapagtapos. Sa mundong puno ng mapanghusga magsilbi sanang aral sa atin ang nangyari ito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here