Sponsored Links

Marami pa rin sa mundo ang may mabubuting puso, na handang tumulong sa mga taong nangangailangan lalo na yung mga hikahos sa buhay. Si Ali Banat na minsan ng umingay ang pangalan sa social media dahil sa pagkakaroon nito ng busilak na puso para sa mga mahihirap. Si Ali ay ipinanganak sa noong Pebrero 16, 1982 sa bansang Australia kung saan sa murang edad nito ay isa na ito sa nagmamay-ari ng isang Security at Electrical Company at tanyag ang kanyang pangalan sa Austalian business world.

Lumaking marangya ang kanyang pamumuhay dahil na rin sa kilala ang kanilang pamilya sa pagkakaroon ng maraming ari-arian, negosyo at kompanya sa iba’t ibang bansa. Bakas naman sa kanyang pagkatao ang pagiging mayaman, sa kanyang pananamit kitang kita na ang mga mamahaling gamit nito tulad ng relo, damit at mga sasakyan. Tunay nga wala ng hihilingin pa si Ali, halos lahat na ng naisin nito ay maaaring mapasakanya.

Ngunit isang pangyayari ang nagpabago sa buhay ni Ali, nang sumailalim ito sa maraming pagsusuri napag-alaman na may malubha siyang karamdaman at ito ay [email protected] na nasa ika-apat na yugto. Ayun pa sa doktor bilang na ang kanyang araw at anumang oras sa loob ng isang linggo ay maaari ng mawalan siya ng buhay.

Kung titingnan maaari pa naman magawan ng paraan ang kanyang pinagdadaanan at kahit papaano sumailalim sa ibang panlunas para mapahaba pa ang kanyang buhay. Sa dami ng kanilang kayamanan hindi ito posible ngunit ayaw na mismo niya itong mangyari, napag-alaman niya na mag-aaksaya lamang siya ng oras at panahon, magtatapos din naman ang kanyang buhay.

Isang gabi habang siya ay nakahiga napag-isip niyang sa 30 taon niya sa mundo wala pa siyang nagagawang tatak sa buhay ng tao o yung kapakipakinabang. Kaya naman naisip nitong habang may natitirang araw pa at malakas siya nais niyang tumulong sa mga nangangailangan. Ang halos lahat ng ari-arian niya ay benenta niya para lamang maipamigay sa charity at Muslim organization.

Lumibot pa si Ali sa bansang Africa kung saan alam naman ng lahat na napakahirap ng bansang ito, doon nakapagpatayo siya ng hospital paaralan at mga bagay na mapapakinabangan sa pang-araw araw na buhay ng mga mamamayan sa nasabing lugar, Bukod pa diyan halos isang daan bansa ang kanyang nalibot upang makapagbigay tulong.

Minsan na rin niyang naisip na ang pagkakaroon ng karamdaman ay isang regalo sa kanya dahil ang natutunan niya ang tunay na laro ng buhay, Hindi lamang sa pera o kayamanan umiikot ang lahat. Na ang tunay na halaga ng yaman ay kasangkapan lamang para makatulong sa iba pang nangangailangan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here