Sponsored Links

Naging usap-usapan ngayon at babala sa mga negosyante ang pangyayaring naganap sa isang car delearship sa lugar ng Lanang, Davao City. Kumalat ang post ni Love Dorego sa social media dahil na rin sa aral at makukuha dito ng bawat isa sa atin.

Ayon sa facebook post ni Love Dorego na isa sa empleyado ng Suzuki car delearship branch ng Davao. Pumasok ang isang dating professor ng University of Southern Philippines na si Lolo Manuel. Ayon pa sa kanya sa kabilang delearship ito dapat papasok upang bumili ng kanyang nagustuhang sasakyan ngunit sa hindi magandang pangyayari hindi ito pinapasok dahil lamang sa kanyang kasuotan o itsura ng mga araw na iyon. Kaya naman nagtungo na lamang ito sa katabing Car dealership upang doon tumingin ng sasakyan na kalaunan ay binili na rin ni Lolo Manuel.

Ang pangyayaring ito ay naging babala sa mga negosyante at sa ating mga kababayan na bawal maging mapanghusga. Hindi maaaring maging basehan ang itsura para lamang hindi asikasuhin o paunlakan ang isang tao. Narito ang sambit pa ni Love Dorego;

“He said he wasn’t allowed to get in. Maybe because of his outward appearance, wearing very old and stained clothes, dilapidated and holed shoes, and a dirty mask,” ani Dorego.

Dagdag kuwento ng empleyado: “He walked into our showroom at Lanang but we didn’t hesitate to let him in and entertained him, asking what unit he wants to inquire about, he said he wants to buy a unit.

“After presenting our displayed cars he decided to buy the S-presso he said he’ll pay it in cash, but he will go back the next day because he didn’t bring his money with him being afraid to bring the cash while riding a bus and a jeepney.”

Kinabukasan ay bumalik ang matanda at binayaran nang cash ang napili na sasakyan.
“The following day we released his unit and since he’s still relearning how to drive Michael (our employee) drove his unit going to his home,” ani Dorego.

Aniya, sa kanilang dealership ay welcome ang lahat.
“Here in SUZUKI AUTO DAVAO- LANANG, we never underestimate anyone. We will cater to all walks of life whether well-groomed or not,” pahayag ni Dorego.

“LESSON LEARNED: NEVER UNDERESTIMATE ANYONE. TREAT EVERY PERSON EQUALLY,” dagdag niya.

May punto naman ang post ni Love at tiyak na magsisilbing aral ito sa nakakarami upang iwasan na ang nakaugaliang maging mapanghusga ng kapwa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here