Sponsored Links

Sino mag-aakala na kahit sa maliit na pamamaraan ng paghahanap-buhay ay kayang makapagtapos ng anak sa kolehiyo. Maaringmarami ang magtataas ng kilay ngunit ito ang pinatunayan ng isang anak dahil ang kanyang ama ay isang fishball vendor simula ng pag-aralin sila nito hanggang makapagtapos ng kolehiyo.

Ibinahagi ni Girlie Verzosa ang kanyang karanasan upang magbigay inspirasyon sa karamihan ang kanilang naranasan at kalaunan ay nakamit ang pinapangarap na pagtatapos ng kolehiyo. Hindi matatawaran ang sipag ng isang ama, na kung ating titingnan sa panahon ngayon ay bibihira na. Sa facebook post ni Girlie idenetalye nito kung paano nag-sakripisyo ang kanilang ama buhat pagsabak sa init at ulan sa kalsada para lamang sa kanilang pag-aaral.

larawan mula kay Girlie Verzosa

Ayon sa kanya bata pa lamang sila nang kanilang kamulatan ang pagtitinda ng kanyang ama ng mga street foods kung saan ito ang bumuhay sa kanilang magkakapatid at naging sandigan sa hamon ng buhay upang makamit ang pagtatapos sa kolehiyo. Sobrang proud ni Girlie sa kanyang ama dahil sa hindi nito pagsuko at pagtataguyod sa kanilang magkakapatid. Ngayon nakapagtapos na sila maari na silang makabawi sa lahat ng hirap at sakripisyo ng kanilang mga magulang.

Tunghayan ang buong kwento ni Girlie ayon sa kanyang socialmedia post;

“Sinong nagsabi na Mag-fifishball LANG “

Hindi ko malilimutan yung mga taong nagsabi samin na “anak lang yan ng magfifishball “

“wag nating kaibiganin kasi di sya level satin” ….haaay …. Buti na lang tinuruan ako ng papa ko na maging natural lang

“Anak , kung anong meron ka wag mo ikahiya …wag mong ipilit na mag-astang mayamn para lang kaibiganin ka ng ibang tao …maging natural ka lang “

Nung Elemntary ako madalas akong asarin ng “Fishball , Kikiam, at palamig ” medyo naiinis ako kasi may birthmark ako sa mukha na bilog at inaasar nila yun na sunog na fishball raw …pero kahit ganun wala akong pakialam …masaya akong alalahanin yung mga oras na nagtitinda si mama sa harap ng school at inaabot nya sa gate lahat pwede kong kainin na paninda nya …kwek-kwek , unli fishball at kikiam ..tapos bibilhan pa nya ko ng “Pop” sa katabi nyang tindera … Kahit anong sabihin nila proud ako sa mama at papa ko kasi marangal sila kung magtrabaho . Pero nung Graduation na Tameme yung mga nambully sakin kasi nakaupo sila lahat sa likod ko

“Itong anak ng magfifshball na to ang class Salutatorian nyo ngayon “

Hindi ko malilimutan nung higschool nung minsan ayain ko mga bago kong classmate na magpractice ng MAPEH sa bahay kasi may speaker dun at kami lang pinakamalapit sa school …sabi nung isang classmate ko “para namng basurahan yung bahay nila ” ( Me: Ouch.) at syempre nakita nila yung kariton ni papa sa bahay na pantinda …dun na nagsimulang Ma-OP sa lifestyle nila …buti na lang may binigay si Lord na iilang kaibigan na … Na kahit sino ka pa tanggap na tanggap ka…minsan pa nga nung Highschool uso kasi nun yung sulatan sa papel sinabihan ba namn akong magnanakaw …haiisssst hirap din eh .. Kapag mahirap ka sa klase ikaw lagi ang suspect kapag may nawawalang pera o gamit … Anyway ..sumulat na lang ako pabalik

“Mahirap man ako ..magutom man ako …hinding hindi ako kakain ng nakaw ” …bhala na sila …ang importante .. May prinsipyo ka at alam mo ang totoo sa sarili mo .

larawan mula kay Girlie Verzosa

Nung college namn ay Grabe lupet ng gastos …sabay na maraming ng kalaban si papa sa pagtititnda ng fishball …ilang camporal at Jamboree ang pinagpuyatan nya …lahat ng okasyon sa baryo …present sya ( Miss Gay, Battle of the Bands, Victory ball, Graduation, Senior Citizen Night, Foundation day … Sabungan … O kahit minsan pati libing hindi palalampasin …makapagtinda lang ) …sobrang sarap alalahanin kasi nga kapag bakasyon ko sumasama pa ako kay papa magtinda … Bet na bet namin manuod ng mga orchestra sa mga pyestahan … tapos uuwi kami mga 2am na ng umaga …at dadaan sa 7/11 para kumain ng siopao … Mga bonding na masarap maalala pagkatapos magtinda …

At nung June 30 nga graduation day ni Bunso …hehehe at ako yun, dun lang nagsink-in lahat ng pinagdaanan namin .. Pero syempre di ikukuwento … Mahaba tlga eh …

Grabe pala “SINONG NAGSABI NA FISHBALL LANG” kung apat na kolehiyo ang nakatapos ng dahil dun …masasabi ko lang tlga …na walang trabaho na Marangal ang dapat ikahiya … Kung nanliliit ang mundo sa estadong meron ka …mas lalo mong ipagmalaki …dahil inggit lang sila dahil kung minsan kung sino pa may maayos na katayuan sa buhay …sila pa yung ayaw magsipagtapos sa pag-aaral … Pero ikaw …kahit na anong pangmamaliit pa sakin …may diploma na ko …sisigawan ko na lang sila

“HOY..Ng dahil sa Fishball natapos Akong mag-aral … At yun ay hindi nilalagyan ng LANG “

larawan mula kay Girlie Verzosa

Maraming salamat sa Papa ko at Mama ko … Alam ko po na marami kayong gutom na tiniis … Maraming panghihiya ang pinaraya …maraming araw na tirik man ang araw tiniis pa rin kahit nahihilo na … puyat at pagod na …pero lahat ginawa mapatapos lang kami sa pag-aaral … Maraming maraming salamat po

Mahal na mahal po namin kau nila ate..

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here