Home News Lolong empleyado ng BPO umani ng papuri sa kasipagan nitong magtinda ng Chicharon sa MRT tuwing wala itong pasok

Lolong empleyado ng BPO umani ng papuri sa kasipagan nitong magtinda ng Chicharon sa MRT tuwing wala itong pasok

0
Lolong empleyado ng BPO umani ng papuri sa kasipagan nitong magtinda ng Chicharon sa MRT tuwing wala itong pasok
Sponsored Links

Tunay nga wala ng dadaig pa sa kasipagan ng isang lolo na empleyado ng BPO (Business process outsourcing). Ibinahagi ng isang netizen na si Iya Gonzales ang kanyang nasaksihan, matapos makasabay nito ang isang matanda sa MRT na may sukbit na ID ng BPO bukod pa sa dalang malaking plastic at may laman na chicharon. Anya nais niyang bumili sa matanda dahil paborito ito ng kanyang ina ngunit sa hindi inaasahan ang mga chicharon ay may nagmamay-ari na pala.

Dagdag pa niya kaya naman napakwento ito ng kaunti kay Lolo na nagngangalang Manuel Felipe, sa maikling usapan si lolo nga ay empleyado ng BPO at tuwing wala itong pasok ay sumaside line bilang tindero ng chicharon. Sambit pa ni lolo ang kanyang mga dala ay para sa kanyang mga officemates. Lunes at Martes ang araw na wala siyang pasok kung saan pede daw siyang makipag meet up sa mga nais umorder sa kanya.

Narito ang maiksing kwento ni Iya at ni Lolo Manuel;
ANYONE INTERESTED TO BUY CHICHARON CAME FROM PAMPANGA, PLEASE MESSAGE SIR MANUEL FELIPE – (0936) 621 0320

This hardworking man caught my attention as I saw him wearing a BPO company lace while carrying a bag full of chicharons. When I got the chance to talk to him while were going out of the train, I asked him if he is selling the chicharon kasi gusto ko sana bumili dahil favorite to ni mama, then he explained that meron ng nakareserve bawat chicharon sa mga ka-officemates niya. We talked a bit more as he seems to look at me as I am interested in what his selling.
He told me that his day off is every Mon and Tues and can arrange a meet-up of order for chicharon every Tuesday night at MRT Taft station.

I admire him as he works at a BPO company full time while selling chicharon as his sideline + imagine carrying a bag full of chicharon from Pampanga to Pasay! This kind of man inspires me so much that even though life is so hard, people like him still find a way to survive and live a happy life. Salute to you Sir Manny.

larawan mula kay iya gonzales | facebook

Ang buhay nga naman sa panahon ngayon ay pasipagan at diskarte na lamang, wala sa edad o estado ng buhay basta kung nais mong gawin o may pangarap ka sige lang. Napagandang halimbawa ng kwentong ito para sa isang matanda, na sa kabila ng kanyang edad ay patuloy pa rin ang diskarte sa pang araw-araw. Kung isa ka sa nakakabasa nito lalo na at nasa kabataan mo pa ngayon maging inspirasyon sana si Lolo Manuel sa iyo at maging sa iba pa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here