Sponsored Links

Likas sa ating mga Filipino ang pagiging matulungin lalo na kung nasa ibang bansa tulad ng mga Overseas Filipino Workers o OFW. Talaga naman kahit saan magpunta basta nangailangan ng tulong ay handa tayong mga Filipino kahit kung minsan ay ikakapahamak pa natin ito.

Kaya naman kamakailan ay naiulat ang ating kababayan na si Emil Reboja Vega sa isang balita na binigyan ito ng parangal bilang pagkilala sa kanyang pagliligtas sa isang babaeng nais na kitilin ang sariling buhay. Nais ng isang haponesa na wakasan ang buhay nito sa pamamagitan ng pagtalon nito sa tulay ngunit namataan ito ng ating kababayan na si Emil na siyang pumigil sa nasabing babae. Sa hindi masabi pang dahilan kung bakit nais itong gawin ng haponesa.

Alam naman natin na kasalanan na bawiin ang sariling buhay na bigay sa atin ng poong maykapal. Tanging ang Diyos lamang ang may karapatan na gawin ito, kaya naman sa ginawang kabutihan ni Emil agad itong kinilala at nabigyan ng parangal. Sa loob ng 16 taon pagtratrabaho ni Emil sa Japan ngayon lamang siya nakakita ng ganun pangyayari at dahil alam niyang kasalanan ito hindi na siya nag-atubiling kumilos upang iligtas ang nasabing haponesa.

Kinilala ang kabayanihan ng isang Pinoy matapos masagip ang isang residenteng nagbabalak tumalon mula sa isang tulay sa Saitama, Japan noong Abril 24.
Binigyan si Emil Reboja Vega, tubong Albuera, Leyte, ng pagkilala ng police commissioner ng Asaka City dahil sa kaniyang ginawa.

Nakakagalak maging Filipino kung may mga kababayan tayong tulad ni Emil na walang pag-aalinlangan na tumulong sa kapwa para lamang maiwasan ang hindi magandang resulta na kanyang ginawa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here