Sponsored Links

Ginulantang tayo ng biglaang malakas na pag-lindol sa lugar ng Mindanao at sinasabing maraming kababayan natin ang nabiktima ng malakas na pag-lindol. Ayon sa Philvocs 6.3 at 6.6 ang magnitude ng dalawang magkahiwalay na pagyanig na naganap noong Oktubre 29 at Oktubre 31. Dagdag pa ng ahensya ang nasabing pag-yanig ay maari pang masundan.

Sa kabila ng pangyayari ito, na hindi man alam ng karamihan namataan ang sikat na akstres na si Angel Locsin sa nasabing lugar. Ayon sa pahayagang Inquirer, unang namataan na namimili ng mga relief goods si Angel sa NCCC Uyanguren sa Davao City.

 

 

Maraming kababayan nating netizen ang nagbahagi ng larawan ni Angel sa kanyang pagtulong sa lugar ng nasalanta ng pagyanig. Lingid sa kaalaman ng ilan noong panahon ng Yolanda si Angel Locsin ay naroon din upang tumulong sa mga nabiktima ng nasabing bagyo. At ng kasagsagan ng giyera sa Marawi lakas loob din na nakita ang aktres para kamustahin ang ating mga kababayan.

 

 

Simple lamang ang itsura ng aktres ngunit napansin pa rin sya ng mga taong naroon kaya naman agad na nag-viral ang ilang kuhang larawan. Maraming netizen ang humanga sa taglay na kabutihan ng aktres, kasama ang kanyang mapapangasawang si Neil Arce na namimigay ng relief goods sa mga biktima.

Isang netizen pa ang nag-komento ang sambit nito ay “Walang giyera, bagyo o lindol ang makakapigil kay Angel Locsin para sa pagtulong. Panis yang mga influencers niyo sa Darna ko na nasa Davao ngayon.”  – Marvin Olivarez

Tunay nga na true to her name ang magaling na aktres, hindi ba’t kamakailan lamang naging laman ng pahayagan ang hindi nito pagdalo sa Star Magic ball. Ayon sa aktres ang perang gagastusin nya ay idodonate na lamang niya sa bantay bata 163. Sana marami pang tulad mo na tunay na nga na Angel sa lupa.

Sobrang daming papuri ang natanggap ng tinatuguriang Darna, sabi pa ng ilan daig pa ang mga pulitiko sa ginagawang ito ni Angel Locsin.

Panoorin ang tunay na Darna

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here