Sponsored Links

Madalas na natin marining na marami ang labis na naapektuhan ng pandemya dahil maraming mga kompanya ang nagbawas ng mga manggagawa, at may ilan namang tuluyang nagsara dahil wala na pumapasok na income dahil limitado na ang paglabas sa bahay ng mga tao.

credit to Karen Denise Reyes Crisostomo | CFO Peso Sense

Kahit malalaking negosyo at kumpanya ay nakaramdam ng krisis na dumating. Kaya naman mas maraming maliliit na negosyo ang labis din na naapektuhan.

Sa kabila ng malaking pagsubok, marami pa rin sa ating mga Pilipino ang hindi nawawalan ng pag-asa at pamamaraan upang kumita ng pera para maitawid ang pangangailangan ng pamilya.

Samanatala, si Karen Denise Reyes Crisostomo ay nagbahagi sa Facebook page na CFO Peso Sense na naglalayon na magbahagi sa mga netizens ng mga pamamaraan upang makatulong sa kanilang financial literacy.

credit to Karen Denise Reyes Crisostomo | CFO Peso Sense

Ayon sa kanyang kwento, isa din sya sa mga nawalan ng trabaho noong nagsimula ang pandemya. Si Karen ay nagtatrabaho sa isang salon, at alam naman natin na isa ito sa mga establisimyento na ipinasara dahil sa ito ay non-essential.

Ngunit dahil sa tulong ng kanyang mister, naghanap sila ng pamamaraan paano magkapera. Nag buy and sell ang mag-asawa at bumili ng iba’t-ibang bagay upang ibenta at magkaroon ng pera na pangtustos sa pamilya.

Labis-labis ang pasasalamat ng mag-asawa dahil sa kabila ng pinansyal na suliranin ay hindi pa rin sila tuluyang nawalan ng pagkakakitaan. Bukod pa sa kanilang kinikita na pang gastos sa araw-araw ay nakapag-ipon pa sila ng sapat na halaga upang maituloy nila ang kanilang proyekto ngayong taon.

credit to Karen Denise Reyes Crisostomo | CFO Peso Sense

Ayon pa kay Karen, walang imposible basta’t may paniniwala lang sa Diyos upang magbigay gabay sa anumang desisyon at gagawin natin sa buhay.

Sa mga larawan ang makikita ang naipon ng mag-asawa. Ipinakita umano nila ito hindi upang ipagyabang kundi maging isang inspirasyon sa ibang tao lalo na sa mga nakaranas din nawalan ng trabaho at hanapbuhay.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here