Sponsored Links

Tayong mga Pinoy ay kilala sa buong mundo dahil sa ilang mga natatanging kaugalian kagaya na lamang ng pagiging “hospitable” o magiliw sa mga panauhin, mapagbigay sa pakikitungo o mapag-amu-amuhan.

Bukod pa rito, tatak din sa ating kultura ang “bayanihan” o ang pagtutulong-tulungan lalo na sa mga panahon ng kalamidad o krisis. Ngunit bukod pa sa kaugalian, may isa pang kahulugan ang “bayaniha”, at iyon ay ang paglilipat ng isang buong bahay mula sa kinaroroonan nito patungo sa bagong lokasyon.

Ang bahay na inililipat ay kadalasan na hindi gaanong Malaki at gawa lamang sa mga magagaang na materyales kagaya ng kahoy, at kawayan. Ito ay madalas na ginagawa sa mga probinsya sa Pilipinas.

Subalit, namangha ang madla dahit sa lipat-bahay na kanilang nasaksihan sa Amerika. Sa YouTube ng “San Francisco Chronicle”, naroon ang video ng isang napakalaking bahay, 2-storey na bahay na inilipat ng buo sa  San Francisco.

Isang Victorian house ang naturang bahay na nagkakaedad na ng 139 taon ang buong isinakay sa isang napakahaba at malaking truck. Kinailangan umano itong ilipat dahil may itatayong bagong establisimyento sa kinatitirikan nito.

Dahil sa sobrang taas at laki ng bahay, maraming tao ang namangha at kinuhanan ng video ang naturang pag-lilipat ng bahay.

Hindi biro ang hamon sa paglilipat nito kaya naman ay kaakibat din nito ay ang malaking halaga na $400,000 bilang bayad sa paglilipat.

Marami naman ang nagbahagi ng komento sa lipat-bahay na ito.

 “That’s actually pretty normal. People can actually buy what’s called a ‘Manufactured House’ and it’s going to get shipped to them by a truck convoy passed some before while driving on the highway. That’s how some people move their houses here,” wika ng isang netizen.

“Ganyan naman talaga karamihan ng bahay sa Western countries made from woods and bricks hindi na bago ‘yan, even sa mga movies and tv shows, makikita mo na ganyan, malamig kasi sa kanila, kaya ganyan style ng mga bahay nila, kaya nadadala ang mga bahay sa ibang lokasyon.” Dagdag pa ng isang netizen.

“In the Philippines, when you say ‘lipat-bahay,’ it’s not the house itself, only things inside the house. But in this photo as you can see, literally na ‘lipat-bahay’ talaga. Haha… sana all!” saad pa ng isa. Ang Victorian house ay mayroon umanong 6 na kwarto kaya napakalaki nito.

{via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here