Sponsored Links

There is a season for everything, ika nga. Kahapon maaring naghihirap ka, ngayon ay patuloy paring nagsusumikap para makamit ang mga pangarap sa buhay, bukas ay mararating muna ang nais mong paruonan.

Ang tagumpay sa buhay ay hindi basta-basta nangyayari sa isang tao sa isang kislap mata lamang, ito ay nasa proseso at nasa tamang oras na nakatakda. Maliban na lang kung pinalad ka na manalo sa Lotto o di kaya ay sa isang patimpalak na milyon milyon ang papremyo.

Kung iyong sasaliksikin ang mga naging kwento ng buhay ng mga naging matagumpay ngayon, isang bagay lamang ang makapagbibigay sayo ng sagot kung bakit sila nagtagumpay. At iyon ay dahil sa hindi sila sumuko at patuloy na nagpursige na marating ang mga pangarap.

Kagaya din ng iba, hindi sumuko sina George at Chin na nagbahagi sa social media ng kwento ng kanilang tagumpay at pinagdaanan sa buhay.

Ayon sa kanilang kwento, dati lamang sumasahod ng minimum wage si Chin sa kanyang trabaho, habang ang asawang si George ay naranasang magbenta ng kung anu-anong pagkain kagaya ng siomai, hotdog buns, at pizza rolls, para lamang may pang gastos sa kanilang pangangailangan.

Naranasan din daw nila ang magtiis sa pag uulam ng pancit canton at corned beef para lamang makaraos sa araw-araw. Hindi rin sila exempted sa pangungutya ng ibang tao dahil sa kanilang estado sa buhay.

Subalit, ang kanilang mga dinanas ay hindi naging hadlang upang marating at makamit ang kanilang mga pangarap. Nagsakripisyo sila at naging sandalan ang isa’t-isa sa mga paghamon na dumating sa kanilang buhay hanggang sa ito ay nagbunga.

Pagkaraan ng ilang taon, unti-unting nakapag pundar ang mag asawa. Nagtrabaho sila ng mabuti at nagsipag hanggang sa nakabili na nga sila ng sariling bahay at lupa at ilang sasakyan. Bukod pa rito, nakapagpatayo na sila ng kanilang sariling kompanya na tinawag na SureTrust Corp Group.

Ngayon ay masaya na silang namumuhay at patuloy na nakikibaka sa buhay kasama na ang kanilang anak na babae.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here