Sponsored Links
Home Public Info Makati Senior Citizens na edad 90-99 at 101 pataas ay Makakatanggap ng...

Makati Senior Citizens na edad 90-99 at 101 pataas ay Makakatanggap ng P10k Cash Gift

1483
Makati Senior Citizens na edad 90-99 at 101 pataas ay Makakatanggap ng P10k Cash Gift
Sponsored Links

Magandang komento buhat sa mga netizen ang natanggap ng Sangguniang Panlungsod ng Makati dahil sa nasabing ordensa na pagbibigay ng sampung libong cash gift kada taon sa mga senior citizen ng Makati na may edad 90 hanggang 99.. Basahin ang kumpletong pahayag sa ibaba ayon sa nasabing ordensa..

“Ipinahayag ni Makati Mayor Abby Binay na ipinasa na kamakailan ng Sangguniang Panlungsod ng Makati ang ordinansang nagbibigay ng P10,000 cash gift taon-taon sa mga senior citizen na edad 90 hanggang 99 at limang taon nang Blu Card holder.
Malugod na ibinahagi ni Mayor Abby ang pagsuporta ng mga bagong halal na konsehal sa kanyang panukalang bigyan ng nararapat na insentibo ang mga mamamayang nasa naturang mga edad. Aniya, ito ay bilang pagkilala sa kanilang mga naiambag sa pag unlad ng lungsod at isang paraan upang maisulong ang tunay na ingklusibong kaunlaran na kanyang minimithi.

Inamyendahan ng City Ordinance No. 2019-A-023 ang naunang City Ordinance No. 2016-A-043 upang maigawad ang karagdagang insentibo sa mga kwalipikadong senior citizen na nakatira sa Makati na nasa edad 90 hanggang 99. Unang ibibigay sa kanila ang kalahati o P5,000 sa buwan ng Hulyo at ang natirang kalahati sa buwan naman ng Disyembre.

Ayon kay Mayor Abby, sa ilalim ng ordinansa na magkakabisa sa Hulyo 30, ang mga kwalipikadong Blu Card holder na magdiriwang ng kanilang ika-90 kaarawan ngayong taon ay makakatanggap ng P5,000 na year-end cash gift sa Disyembre. Patuloy nilang matatamasa ang benepisyo taon-taon hanggang sa edad na 99.

Pagsapit naman ng kanilang ika-100 kaarawan, matatanggap nila ang P100,000 centenarian cash gift mula sa lungsod, sa halip na P10,000.
Sa ilalim ng ordinansa, muling matatanggap ng mga kwalipikadong centenarian ang kanilang P10,000 cash gift sa nabanggit na paraan pagsapit ng kanilang ika-101 kaarawan at taon-taon habang sila ay nabubuhay.

Batay sa talaan ng Makati Social Welfare Department (MSWD), mayroong 2,096 na Blu Card members na kabilang sa age bracket na 90 hanggang 99. Samantala, sa kabuuang 57 centenarian na nakatanggap na ng P100,000 cash gift mula sa lungsod sa ngayon, 32 centenarian ang nabigyan ng naturang benepisyo sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Abby.
Ginunita ng alkalde kung papaano naantala ang pagpapatupad ng naturang ordinansa sanhi ng pagharang ng opposition councilors sa pagpasa ng 2019 budget, na kinabibilangan ng karagdagang benepisyo para sa nonagenarians na limang taon o mahigit pang naging miyembro ng Blu Card.

Samantala, ang pamamahagi ng cash gift sa dalawang pantay na installment sa mga nakababatang age group ng senior citizens na may Blu Card, ay isasagawa tuwing buwan ng Hulyo at Disyembre, ayon sa sumusunod: mula edad 60 hanggang 69, P3,000 bawat taon; 70-79, P4,000; at 80-89, P5,000.

Nagpahayag naman ng kumpiyansa si Mayor Abby na matutupad niya ang pangakong lalo pang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Makatizen dahil na rin sa matatag na suporta ng majority bloc sa Sangguniang Panlungsod.

Aniya, tangan ang bagong mandato ng taumbayan kasama ang suporta ng bagong konseho, tiwala siyang maipapasa ang mas marami pang mga proyekto at programa na makakapagsusulongng sama-samang pag-unlad ng mga Makatizen, at makapagbibigay ang kanyang pamunuan ng pinakamahusay naserbisyo publiko sa kanila.

Sa kasalukuyan, mahigit 84,000 senior Makatizens ang nakakatanggap ng mga natatanging benepisyo mula sa lungsod. Kabilang din dito ang libreng serbisyong medikal at hospitalization, libreng gamot, bakuna, mobility aids, birthday cake, at unlimited movie passes sa mga sinehan sa Makati. Inaaruga rin sila sa pamamagitan ng libreng gupit, masahe, spa, at field trip sa mga makasaysayang lugar sa Metro Manila at saiba pang panig ng bansa sa ilalim ng Lakbay Saya Project.

Sa ilalim pa rin ng Blu Card program, nagbibigay ang pamahalaang lungsod ng P3,000 burial assistance sa naulilangpamilya ng namatay na Blu Card holder.
Kamakailan, inilunsad ng Ospital ng Makati ang Palliative and Hospice Care Program na layong bigyan ng special care ang mga pasyenteng may chronic o terminal na karamdaman, kabilang ang mga nakatatanda, upang maibsan ang kanilang paghihirap. Nais din nitong matulungan ang kanilang mga mahal sa buhay sa pangangalaga sa kanila, at madamayan sila sapanahon ng kanilang pagluluksa kapag pumanaw na ang pasyente.”

{source}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here