Sponsored Links

Hindi maitatago na marami pa rin sa ating mga kapwa Pilipino ay labis na naghihirap. Ang isa pang nakakalungkot ay ang mga matatandang iniiwan ng kanilang pamilya na mag-isa, walang matinong tirahan, at walang maayos na pagkain.

credit to Val Santos Matubang | youtube

Samantala, marami pa rin ang may kabutihang loob na kahit hindi kaano-ano, walang kahit anong koneksyon, hindi kamag-anak o kaibigan, ay talagang likas na maawain at matulungin. Kagaya lamang ng isang vlogger na si Val Santos Matubang o mas kilala bilang Kuya Val.

credit to Val Santos Matubang | youtube

Sa kanyang vlog, tampok ang isang matandang babae na nagngangalang Lola Damiana, na mag-isang nakatira sa lumang bahay, at sira-sira na. Naroon sya sa isang papag na nagsisilbing higaan at doon sya natutulog katabi ang kanyang mga gamit.

credit to Val Santos Matubang | youtube

Pinuntahan ito ng vlogger upang matulungan na maipaayos ang kanyang bahay. Ulyanin na si Lola Damiana kaya naman ayaw nitong ipaayos ang kanyang bahay.  Nakakaawa ang kanyang kalagayan dahil mag-isa lang sya at hindi sya nakakakain ng maayos.

Habang kinakausap nila ang matanda, inuuniti-unti nilang inaayos ang ilang bahagi ng bahay upang hindi mabasa ng ulan ang matanda kapag nagbagyo o umulan.

credit to Val Santos Matubang | youtube

Mapapansin din na parang may kausap ang matanda kahit wala naman itong kinakausap at paulit-ulit din syang nagbabanggit na ayaw nyang may ilaw. May binabanggit din itong tungkol sa giyera, marahil ay naaalala nya ang mga nangyari pa noon. Kaya ayaw niyang ipaayos ang kanyang bahay dahil ang akala nya ay kinukuha ito sa kanya.

Bukod pa sa pag-papaayos ng kanyang bahay, binigyan din sya ng vlogger na si Kuya Val ng mga gamit kagaya ng coat, at mga damit dahil wala umanong damit na pampalit ang matanda. Nagpanggap nalang si kuya Val na sya si Gobernador upang tanggapin ng matanda ang kanyang mga tulong.

Nagtutulong-tulungan din ang mga tao doon upang maayos at mapaganda ang bahay ni lola Damiana. Malaking bagay talaga ang tulong sa kanya ng vlogger. Sa huli ay nagpasalamat din si Val sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong sa matanda.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here