Sponsored Links

Dahil sa kahirapan, maraming mga tao ang minsan ay napipilitang magbanat ng buto at maghanap-buhay para lamang makatulong sa pamilya. May ilan na sa kabila ng kapansanan ay nagtitinda sa daad, may mga matatandang hirap na sa pagkilos ang naglalako, at mayroon din namang mga batang sa murang edad ay naghahanap-buhay na para lang makatulong sa mga magulang.

Isang mag-asawa naman ang nabahala dahil sa isang batang babae na nagtitinda ng sampaguita na inaabot na ng maghahating gabi sa kalsada.

credit to Honney RJ Balasabas | Facebook

Ibinahagi ng mag-asawang Honney RJ at Onnie Balasabas ang mga nakuhang larawan ng magandang batang babae na umano ay inabutan pa nila sa kalsada alas-onse na ng gabi upang magtinda pa ng mga sampaguita.

Ayon sa mag-asawa, inalok nila ng bayad ang bata upang umuwi na lamang at magpahinga dahil dis-oras na ng gabi para sa katulad nya ang pananatili sa kalsada upang maghanap-buhay.

credit to Honney RJ Balasabas | Facebook

Hindi umano pumayag ang bata sa kanilang tulong na ibinigay, at gusto pa raw nito na ipaubos ang kanyang mga paninda. Nais pa umano ng bat ana makapagbenta pa ng kanyang mga sampaguita sa iba pang mga motorista.

Bumilib naman ang mag-asawa sa sipag at tyaga ng bat ana maibenta ang mga sampaguita upang makatulong sa kanyang pamilya. Subalit, hindi nila maiwasan na mag-alala para sa bata lalo na ito ay maganda.

credit to Honney RJ Balasabas | Facebook

Lalo na ngayong maraming mga masasamang tao na mapagsamantala o may masamang gawain, ay maaring hindi malayong mapagsamantalahan ang bata dahil sa kanyang kagandahan.

Pagkaraan umano ng ilang araw, habang nasa byahe na naman papauwi ang mag-asawa ay muli nilang nakita ang bat ana naglalako pa rin ng sampaguita sa dis-oras na ng gabi.

credit to Honney RJ Balasabas | Facebook

Mukhang masaya naman ang bata at nag-eenjoy sa kanyang ginagawa dahil ngumiti pa ito ng kunan sya ng litrato ng mag-asawa. Sana nga ay nasa mabuting kalagayan sya sa gitna ng panganib sa daan lalo na kapag gabi.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here