Home News Mayor ng Cainta, namigay ng gulay na ayuda para sa mga residenteng naka-quarantine

Mayor ng Cainta, namigay ng gulay na ayuda para sa mga residenteng naka-quarantine

0
Mayor ng Cainta, namigay ng gulay na ayuda para sa mga residenteng naka-quarantine
Sponsored Links

Sa kasalukuyan ay tumataas na naman ang kaso ng mga nagkakaroon ng Covid-19. Hindi lamang iisang barangay o siyudad ang apektado ngunit buong bansa at buong mundo. Kaya naman doble-ingat ang palaging paalala sa atin ng ating pamahalaan upang maging ligtas.

Samantala, namahagi naman ng gulay ang si Cainta Mayor Kit Nieto sa kanyang mga kababayang naka-home quarantine matapos tamaan ng COVID-19. Naging kakaibang ayuda ang kanyang ibinigay sa kanyang mga nasasakupan sa Cainta.

Ayon pa kay Mayor Kit, dapat palakasin natin ang ating katawan at patibayin ang resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain katulad ng gulay. Ito ay isang mainam at mabisang paraan upang mapanatiling malusog ang katawan at may laban sa anumang sakit. Kaya naman, naghanda sila Mayor Kit ng mga gulay para sa mga naka-home quarantine sa kanilang lungsod.

“Para sa mga nakahome quarantine ito dahil sa covid. (‘yung sana all, ‘wag niyo munang gamitin kasi tulong natin ito sa mga may covid at sa pamilya nila),” pahayag ni Mayor Kit.

credit to Mayor Kit Nieto via Facebook

Paliwanag pa ni mayor na huwag umano kainggitan ang mga residenteng nakatanggap ng tulong dahil kailangan umano silang unahin dahil hindi sila nakakalabas ng bahay gawa ng naka-quarantine.

“Iikot ang COVID sustenance team natin dahil mas hirap ang mga pasyenteng kumalap ng pagkain dahil maraming sarado at di rin naman sila makalabas. Chill lang Cainta,” wika ng alkalde sa kanyang FB post.

credit to Mayor Kit Nieto via Facebook

Marami naman ang humanga sa mayor at mukhang nakaunawa din sa kanya ang mga residente. Maraming netizens ang nagpa-abot ng kanilang paghanga at papuri sa mayor.

“Maraming Salamat po mayor Johnielle Keith Pasion Nieto, ingat po lagi at sa lahat ng nag-aasikaso at nagdadala ng food para sa mga COVID patient. Mag-iingat po kayo lagi at maraming3x Salamat po sa inyo. God bless you all.” komento ng isang netizen.

credit to Mayor Kit Nieto via Facebook

“Hindi po ako magsasabi ng ‘sana all’ mayor dahil ayoko magka-covid. Salamat po sa inyong pagtulong sa mga nangangailangan.”, dagdag naman ng isa pang netizen na humanga sa kabutihan ng mayor.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here