
Sikat ang mga Pinoy sa buong mundo sa angking husay at galing sa iba’t-ibang larangan ng propesyon, trabaho, talento, pati na rin sa mga kakaibang abilidad.
Kamakailan lang ay hinangaan ang pag gawa ng mga Pilipino ng tricycle sa California. Nagsisimula na din na makita ito doon dahil sa mga Pinoy na nakaisip na gawin ito.

Ibinahagi ito sa isang Facebook page na TNT Traysikel na nagpahayag na “mobile public artwork that operates as a cultural marker for the SOMA Pilipinas Cultural Heritage District in San Francisco.”

Nagkita-kita ang mga tricycle at umabot sila sa 60 kasama ang mga Norcal Pinoy Riders. Sa kanilang pag-ikot-ikot, nadaanan pa nila ang sikay na ruta ng Golden Gate Bridge. Nakuhanan ng mga larawan ang makabuluhang pagkakataon na ito.
Naging usap-usap sa social media at nakarating din ang balita sa Pilipinas at kinabiliban at kinagiliwan ng mga netizens lalo na ng mga automobile enthusiast groups.

Marami naman ang nagbahagi ng kanilang saloobin at komento tungkol sa balita na ang mga tricycle na gawang Pinoy ay nasa gitna ng highway ng San Francisco. “Buti diyan pinapayagan ang tricycle sa highway. Sana all!”
“Hanggang diyan ba naman sa ibang bansa nakagitna pa rin ang tricycle. Sabi nang gumilid eh.”

Ngunit hindi lamang para sa kalsada ang mga tricycle na ito dahil magkakaroon ng isang online series na “TNT SideCaraoke”, isang isang interview show sa mga Pilipino at ang kanilang Filipino-American experience at isang documentary patungkol sa “TNT in America.”

Ang naturang tricycle ay gawa umano ng mga pinoy artists na sina Michael Arcega at Paolo Asuncion sa tulong ng San Francisco Arts Commission/Individual Artist Commission at sa financial subsidy ng Awesome Foundation, San Francisco State University at Balay Kreative.
May mga tricycle na din sa California ngunit iba pa rin ang gawang pinoy at tatak Pinoy!