Sponsored Links

Buhat ng nagkaroon ng pandemya marami sa atin ang halos lumaki at bumigat ang timbang, Halos maya’t maya lamang ay kumakain tayo ng walang pagkilos ng madalas kaya naman nangyayari ito sa ating katawan. Madalas din na ang ating mga kinakain ay mga pagkaing hindi maganda sa ating kalusugan.

Ayon sa mga eksperto ang hindi pagdumi ng normal ay hindi maganda sa ating kalusugan. Constipation o pagtitibi ang tawag dito kung saan hirap tayo sa pagdumi na siya namang nagiging sanhi ng paglala ng sakit sa puso, luslos at yung pinakamatindi ay ang tinatawag na hemorrhoids. Ayon kay Doc Liza On, ang payo ng mga doktor ay kumain ng mga prutas na nagsisimula sa letrang “P” kesa uminom ng gamot o herbal tea.

Halina’t alamin kung anong uri ng mga prutas ito kung saan mas mabisang gamot upang maging normal ang pagdumi ng isang tao.

Papaya – Nakagawian na mula sa ating mga ninuno o matatandang kaugalian na kapag hirap sa pagdumi ay kumain ng papaya, Ang Papaya ay nagtataglay ng Vintamin C ngunit kung sobra makakasama ito dahil magdudulot ito ng pagtatae

Peras – Peras o pears ay mayaman sa fiber at sorbitol, ang sangkap ng prutas na ito ay kumukuha ng tubig sa ating bituka para mapalambot ang dumi at ang fiber naman para magkaroon ng hugis para madaling mailabas ang mga ito. May karagdagang payo pa ang isang batikang Doctor na si Dra. Jay Hoecker ng Mayo Clinic, ang sanggol na nahihirapan sa pagdumi ay maaaring bigyan ng 2-4 ounces.

Pakwan – Isa ang prutas na ito na mayaman sa bitamina, nagtataglay ito ng Vitamin A, B at C samahan mo pa ng lycopene at potassium. Ang pakwan ay halos binubuo ng tubig kaya naman kaunting kain mo lang nito agad ka makakaramdam ng pagkabusog. Pinapayuhan na kumain ng dalawang hiwa lamang nito kung sakaling hindi normal ang pagdumi. Nakakagamot din ang prutas na ito sa mga taong may singaw o di kaaya-ayang amoy ng hininga.

Prunes – Madalas makikita ito sa supermarket, mayroon itong juice at dried prunes. Ang prutas na ito ay nagtataglay ng fiber antioxidants at sorbitol kung saan nagpapalambot ito ng dumi.

 

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here