Sponsored Links

Tunay nga nakakabilib ang makabalita ng ganitong uri ng relasyon na hindi lamang sa kaligayhan magkasama kung hindi pati na rin sa kahirapan. Ito ang pinatunayan ng mag-kasintahan na sina Sincer Mae Balili at si Edilberto “Bert” Tanghap Andil. Si Bert ay nagtratrabaho bilang konduktor ng bus sa Rural Transit Mindanao, Inc. at ang kanyang kasintahan ay nag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Business Administration.

Si Mae ay sobrang pasasalamat din sa Rural Transit Mindanao Inc. sa pagbibigay ng kompanyang pagkakataon sa kanya na mailibre ito ng pamasahe sa tuwing papasok ito sa eskwela. Malake ang naging tulong nito kina Mae ang natitipid niya sa pamasahe ay ginagamit nitong pagdagdag sa gastusin sa kanyang pag-aaral.

Ngunit sa araw ng pag-tatapos ni Mae hindi nadalo ang kanyang kasintahan ngunit aad naman gumawa paraan ang mga kasamahan ni Bert upang magkasama ang magkasintahan. Sobrang nagpapasalamat si Mae sa kanyang nobyo sa pagsisikap nitong maigapang ang kanyang pag-aaral. Sa kabilang dako si Bert ay binigyan din ng
full scholarship sa Ip Tribal School at papasok ngayong taon para mag-aral bilang Grade 11 student na kukuha ng Humanities and Social Sciences o HUMSS.

“Proud kaayo ko sa iyang full support saakung pag skwela. Mao nga bhalag dili siya makaapil naay way japon ug salamat kaayo kay timing kaayo ang urasan nila. (Sobrang proud ako sa kaniya dahil sa lubos na suporta sa pag-aaral ko. Kahit hindi man siya nakasama salamat padin dahil tugma padin yung oras namin.),” ani ni Mae.

“Mula noon siya na gumapang sa pag-aaral ko alam kung maliit lang sahod niya pero tulong-tulong kaming dalawa,” saad pa niya.

Nakakatuwang isipin at mayroon tulad nila na nagbibigay inspirasyon sa maraming magkasintahan na magtulungan sa hirap man o ginhawa.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here