Sponsored Links

Masasabi natin na kung minsan ang buhay ay hindi patas, maaaring may katotohanan ang ganitong kataga ngunit hahayaan mo na lang ba hindi maging patas ang buhay para sa iyo. Kailangan natin kilusan ang mga bagay na ating inaasamsam o ninanais sa buhay, sigurado naman na balang araw makakamit natin ang lahat basta samahan lamang ito ng dasal at gawa.

Larawan mula kay Nongying Chuaibamrung | Facebook

Sa bansang Thailand may isang post sa social media na ibinahagi ni Nongying Chuaibamrung, ang nasabing post ay humakot ng atensyon sa mga netizen dahil na rin sa isang kalagayan ng taxi driver na kinakitaan ng tapang at determinasyon sa hamon ng buhay.

Larawan mula kay Nongying Chuaibamrung | Facebook

Ang nasabing driver ay si Sumeth Singpun, kwento ni Nongying napasakay siya sa taxi ni Sumeth ng mapansin nitong mabagal ang kanilang takbo at tila may kausap ang driver sa telepono, normal sa atin ang maasar kung mabagal ang taxi na ating nasakyan lalo pa’t nagmamadali tayo tungo sa ating pupuntahan.

Larawan mula kay Nongying Chuaibamrung | Facebook

Sa kabilang banda inunawa na lamang ni Nongying ang sitwasyon ngunit laking gulat niya kung bakit may oxygen sa loob ng taxi. Nang matapos ang pakikipagusap ni Sumeth sa telepono agad itong humarap kay Nongying at nakiusap na tingnan ang oxygen nito kung may bubbles. Saka na lamang napagtanto ni Nongying na may karamdaman ang driver.

Larawan mula kay Nongying Chuaibamrung | Facebook

Habang mabagal ang kanilang takbo patuloy na kinakausap ni Nongying ang driver, ayon dito marami na syang nararamdamang hindi maganda at isa dito ang kanyang kidney na siyang nangangailangan ng dialysis kaya siya may oxygen sa loob ng kanyang taxi. Ang sanhi naman kaya mabagal ang pagpapatakbo ng taxi nito ay dahil sa kanyang malabong mata.

Larawan mula kay Nongying Chuaibamrung | Facebook

Walang ibang inaasahan si Sumeth kung hindi ang kanyang sarili, kinakailangan niyang magtrabaho upang may maitustos sa kanyang pang-araw araw na pangangailangan at sapat lamang sa pambayad ng upa sa isang maliit na kwarto . Ayon pa dito mayroon naman siyang anak ngunit matagal na itong hindi dumadalaw sa kanya, baka nga raw hindi neto alam na may karamdaman siya.

Larawan mula kay Nongying Chuaibamrung | Facebook

Ganunpaman hindi kinakitaan ng reklamo sa buhay si Sumeth bagkus nagpatuloy at tiningnan ang buhay ng may positibong pananaw. May natatanggap naman siya sa kanilang gobyerno bilang isang PWD may buwanan siyang allowance na nagkakahalaga ng 800 Thai Baht, maliit man ito malaking tulong na rin anya sa pandagdag sa kanyang gamot.

Ang post na ito ni Nongying ay kanya naman ipinaalam sa matandang driver at sumang ayon naman ito, Sa ngayon libo libo na ang komento nagbibigay lakas ng loob kay Sumeth at ang ilan humanga sa katatagan nito.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here