Home News Ilang netizen naglabas ng hinanaing sa matataas na standards sa inaaplayang trabaho, kapalit ng kakarampot na sahod

Ilang netizen naglabas ng hinanaing sa matataas na standards sa inaaplayang trabaho, kapalit ng kakarampot na sahod

0
Ilang netizen naglabas ng hinanaing sa matataas na standards sa inaaplayang trabaho, kapalit ng kakarampot na sahod
Sponsored Links

Napakahirap ng buhay sa panahon ngayon, marami sa ating kababayan ang walang trabaho at hindi alam ang gagawin kung paano matustusan ang pang-araw araw na pangangailangan. Marami sa atin mga kabataan ang nakapagtapos ngunit walang mahanap na trabaho kaya naman ang kakalabasan ay tambay.

Paano pa kaya kung hindi nakapagtapos ng kolehiyo marahil masyadong mahihirapan kaya naman ang ilang netizen naglabas ng kanilang hinanaing patungkol sa kwalipikasyon sa pag-aaplay ng trabaho sa ating bansa. Masyadong mataas ang hinahanap na kalidad samantalang ang sahod o ang gaganpanang tungkulin ay hindi naman nangangailangan ng mataas na kaalaman.

Bulalas nga ng isang netizen na kamakailan lamang ay nag-viral ayon sa kanya sa pinas hindi siya matanggap sa trabaho dahil masyadong mataas ang standard para maging kwalipikado ngunit sa bansang pinuntahan niya isang araw lang nakahanap na siya ng trabaho bilang barista sa isang sikat na kapehan sa buong mundo.

Marahil isa na rin ito sa nagiging dahilan kaya naman ang ilang kababayan natin ay lumalabas nag bansa at doon na lamang naghahanap ng pagkakakitaan. Masyado nga naman mataas ang standard na hinahanap kung ikaw lamang ay magiging mechandiser o helper sa isang supermarket kailangan paba ng degree sa kolehiyo.

Maging ang pagiging janitor kung minsan kailangan ng experienced at dapat nakapag kolehiyo. samantalang kung ating susuriin kahit batang nasa hustong gulang na ay kayang maglinis ng palikuran o maghugas ng pinggan. Maging ang pagwawalis o paglilinis ng bahay ay kayang gawin  nito.

Samantala narito ang post ng isang netizen patungkol sa panawagan niya partikular na sa SM Appliance Center:

To SM Appliance center and all hiring companies out there,

It is high time to look over again and revise your recruitment system. You are too selfish in sipping the creative juices of graduates for a meager income.

You require a degree holder to man your appliance showroom? Why is that? I understand that there is a specific qualifications for a certain role but this is way too much. Give the undergrad a chance.

A chance to have a shot in life. I do not think that the success of your yourappliance company is primarily dependent on the educational attainment of your employees.

Get an undergrad who can match the same enthusiasm and passion at work. These are the qualities that last long and not your pleasing personality require ment. Lastly, may your Human Resource be human. Thank you.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here