
Kamakailan lamang ay napag-uusapan ang patungkol sa pagkakaroon ng oras sa pamilya at pag-aaral. Kaya naman upang mag-karoon ng panahon sa pamilya isinusulong ang dalawang batas na “No Homework Policy”

Sa panukalang batas ni Sorsogon Representative at Deputy House Speaker na si Evelina Escudero sa kanyang inihain na House Bill No. 3611 nakapaloob dito na dapat magpatupad ang Department of Education “no homework policy” sa kadahilang nalilimitahan ang oras ng bata sa kanyang pamilya. Anya ang nasabing batas ay nagsasabing wala na dapat takdang-aralin ang estudyante mula kindergarden hanggang sa K to 12 level.

Dagdag pa dito ang mga libro ay dapat iwanan na lamang sa paaralan upang hindi mabigatan ang mga esudyante lalo na ang mga nasa murang edad pa. Nakapalood din sa batas ang pagkakaroon ng sariling lagayan ng mga estudyante kung saan maari nilang iwanan ang kaniling mga aklat.

Ayon sa mambabatas; “Homework assignments can deprive students and parents precious quality time for rest, relaxation and interaction after school hours and even on weekends,”
“No textbooks shall be brought home to prevent the adverse effects of carrying bag to-and-from school,”

Sa kabilang banda naman ng House Bill No. 3883 na inihain ni Quezon City Representative Alfred Vargas ay halos kalalintulad ng naunang nabanggit na panukala ngunit may isang layunin, Ayon sa kongresista dapat ay walang alituntunin ang isang estudyante tuwing katapusan ng linggo lamang. Saad pa ng kongresista na may negatibong epekto ang mga alintuntunin base sa pag-aaral sa South Africa noong nakaraang taon.
Sa mga mapapatunayang lumalabag sa nasabing batas na “no homework policy”, ay bibigyan ng kaukulang parusang pagkakakul0ng ng dalawang taon at multang P50,000.