Sponsored Links

Ang OWWA Rebate Program ay alinsunod sa nakasaad na OWWA Act o ang batas na Republic Act 10801. Sa nasabing batas ang OWWA member na higit sampung taon o mas higit pa ngunit walang nakukuha sa alinmang programa o benipisyo sa ahensya ay maaaring mag-karoon ng rebate.

Ano nga ba ang Republic Act 10801 o OWWA Act, sa pinaikling paliwanag narito po ang ibig sabihin; for complete details here.

”In recognition of the contribution of long term members to the OWWA Fund, the OWWA shall develop and implement a program for the grant of rebates or some form of financial assistance to OFW’s who have been members of the OWWA for the last ten(10)years and who,along with their families,have not availed of any service or benefit from the OWWA. The provision and the amount of rebates shall be based on actuarial study commissioned by the OWWA for this
purpose”

Ano ang basehan para sa halaga ng OWWA Rebate?
Base sa actuarial study,mayroon 1 BILLION pesos na pondo para sa mga 556,000 na benepisyario ng rebate na umabot sa December 2017 na cut-off at 2 Billion Pesos na pondo naman para sa mga susunod na batch na mabibigyan ng rebate.

Read also: Iba pang mga OWWA benefits ang maaari mong matanggap.

Sino ang maaaring makakuha ng nasabing rebate?

Ang rebate ay para sa mga OFW na;

  • Naging 10 taong miyembro ng ahensya o higit pa
  • Nakapagbayad ng limang beses (5) mahigit pa sa OWWA Membership Contribution
  • Walang nakuha o natanggap kahit mula sa nasabing programa ng ahensya

Magkano ang maaaring matanggap sa OWWA Rebate?
Sa mga kwalipikadong OFW ay maaaring makatanggap ng P941.25 hanggang P13,177.50 base sa kanyang mga kontribusyon. Heto ang kumpleyong contribution rebate.

imahe mula sa owwa website

Notice: ITO PONG OWWA REBATE AY HINDI REFUND AT HINDI RIN CASHBACK.

Para sa iba pang katanungan at iba pang impormasyon, maaari pong personal na bumisita sa kanilang Website owwa.gov.ph o tumawag sa OWWA Hotline 1348.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here