Sponsored Links

Maraming nakakapagbigay inspirasyon na kwento ang naglabasan matapos makaranas ng pandemya, marahil sa panahong ito naglabasan ang diskarte ng ating mga kababayan kung paano makasurvive sa buhay o makaraos lamang sa pang araw-araw na pamumuhay.

Larawan mula kay Raymond Soledad | Facebook

Isang kwento ang naibahagi sa isang social media group ni Raymond Soledad, na tiyak marami ang makakarelate at makakakuha ng kakaibang inspirasyon sa ginawa nilang mag-asawa upang makamit ang pangarap na bahay o matatawag na dream house nila. Nagsimula silang manirahan sa 6sqm lamang na espasyo kung saan dati itong kulungan ng baboy. Sa loob ng isang taon dito sila nagtiiis sa tuwing umuulan o mainit ang sikat ng araw tanging tolda lamang ang kanilang liliman ayon kay Raymond.

Larawan mula kay Raymond Soledad | Facebook

Dagdag pa niya mahirap pala talaga ang hindi maging handa sa pag-aasawa lalo na may sanggol na silang anak na sa kulungan din iyon isinilang, ngunit ganunpaman hindi ito naging hadlang upang mangarap at tuparin ang pinapangarap na munting dream house. Halos limang taon silang nagtyagang mag-ipon at nagsipag sa kanilang mga trabaho. Si Raymond bilang pest controller sa kompanya ng kanyang pinsan habang ang kanyang asawa ay nag-aalaga ng kanilang maliit na anak.

Larawan mula kay Raymond Soledad | Facebook

Kalaunan naman ay nagkaroon din ng trabaho ang kanyang asawa bilang empleyado ng gobyerno ngunit pansamantala lamang ito. Sa pagpatuloy ng pakikibaka nila sa buhay kahit na pandemya ay tuloy naman ang naging trabaho niya at nang kalaunan ay nakaipon na nga sila ng sapat na halaga upang mabili ang bakanteng lupa ng kanyang tiyahin, kung saan pagtatayuan nila ng munting tahanan.

Larawan mula kay Raymond Soledad | Facebook

Narito ang buong kwento ni Raymond Soledad na kanyang ibinahagi sa facebook group na Home Buddies.

Share ko lang po kahit nakakahiya.. Nagsimula kami ng misis ko dito sa maliit na barong-barong (6 sqm.) kulungan po ito ng baboy nilinis lang namin para may matirhan kami ng walang babayaran na renta dahil wala po kaming pera or ipon nun. Dito kami tumira ng 1 taon hanggang manganak yung misis ko. Isang gabe, madaling araw nun.. umulan ng malakas nasira yung bubong, bumagsak yung insulation na nilagay ko sa yero kasama ang tubig ulan at mga maliit na daga.

Larawan mula kay Raymond Soledad | Facebook

Naglagay lang ako ng tolda sa bubong para di mabasa yung baby namin. Nakakalungkot ang hirap pala mag pamilya ng di kayo handa. Kaya simula nun nangarap kami ng asawa ko na magkaroon ng mas maayos sa matutuluyan para sa anak namin. Sa loob ng 5 taon, namin pagsasama, nagtrabaho kami mabuti nag ipon at ito na nga, nagkaroon nadin kami ng sariling bahay simple at maliit lang pero sobrang thank you Lord dahil tinulungan nya kaming pamilya.

Larawan mula kay Raymond Soledad | Facebook

Isa lamang ito sa kwento ng pagsisikap kung paano makaahon at makamit ang minimithing pangarap.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here