Sponsored Links

Ang buhay kahit mahirap basta samahan mo lamang ng dedikasyon, sipag at tiyga tiyak magagawa mo ang anumang naisin mo. Ito ang pinatunayan ng isang lalaking bagama’t walang paa o kalahati lamang ang katawan nito ay patuloy na lumalaban sa araw-araw. Si Ryan “Ipoy” Moralidad, 21 anyos nakatira sa Purok 3, Barangay Sibsib, Tulunan town in Cotabato ay may kapansanan ngunit kung kumilos ito ay tila bang isang normal lamang.

lawaran mula kay rine Dioso, Karen Montejo | Facebook

Simula pagsilang ay ganito na ang naging kondisyon ni Ryan o mas kilala sa palayaw na Ipoy, walang paa pero ganun pa man mapapabilib ka niya sa kanyang mga kayang gawin. Tila dinaig pa nito ang mga normal na walang kapansanan. Kung ano ang kayang gawin ng ordinaryong tao mas sa tingin mo kaya pa ni Ipoy. Gumagawa ito ng uling at ibinebenta ng P350 kada sako. Tumutulong rin siya sa pagsasaka at iba pang gawing bahay.

lawaran mula kay rine Dioso, Karen Montejo | Facebook

Edad 18-anyos si Ipoy noong pumanaw ang kanyang ama. Sa ngayon ay kasama niya ang kanyang ina at mga kapatid na namumuhay. Sumubok din naman mag-aral si Ipoy ngunit huminto ito sa kabila ng mga panunukso sa kanya ng kanyang mga kaklase. Simula noon itinuon na lamang niya ang sarili sa pagtulong sa magulang at iba pang gawain na pwedeng pagkakitaan.

lawaran mula kay rine Dioso, Karen Montejo | Facebook

Agad na nagviral ang kwentong ito ni Ipoy kaya naman marami sa mga netizens ang napabilib ni Ipoy. Sambit pa niya sa kanilang lenggwahe noong tanunin ito.

“Maayo ug but-an gyud ni si Ipoy. Wala namo ni siya sugua apan kaugalingong desisyon niya ang motabang sa amoa. Kanang iyang paghimo og uli, pag-uma, ug uban pa, iyaha ra na natun-an pag tan-aw lang sa mga tao nga gabuhat ato (Ipoy is a kind and helpful man. We didn’t force him to do these things but he voluntarily does these for us. He said he wanted to earn and help us. No one really taught him one-on-one to do charcoal making and farming, he just learned it from observing from other people),” sabi ni Irine O. Dioso, hipag ni Ryan.

lawaran mula kay rine Dioso, Karen Montejo | Facebook

Tumigil na raw sa pag-aaral si Ryan noong siya ay grade 1 pa lamang dahil sa matinding pang-aasar sa kanya.
“Tani hindi na ko nila pagsunlugon pero sadya ko nga may ara ko sang mga abyan nga kaintindi kag baton ko (I hope they will stop teasing me but I am happy that I have friends now who understand and accept me),” sabi ni Ryan.

Sa kabila ng kanyang kalagayan, hindi nawawalan ng pag-asa si Ryan na makamit ang kanyang pangarap na maging successful businessman.
“Maski na amo ko sini makabulig gyapon ko sa akon pamilya kag sila man ang rason ngaa ko gapaningkamot (Despite having no legs, I can still help my family. They are the very reason why I keep going and strive in life).”

lawaran mula kay rine Dioso, Karen Montejo | Facebook

Nang tanungin kung ano ang mensahe niya sa mga kapwa niyang Persons With Disabilities (PWDs), “I hope you will not lose hope. I know you can find ways to help your family. You are capable.”
Isa si Ryan sa mga nagbibigay inspirasyon sa maraming tao na nawawalan na ng pag-asa sa kanilang buhay.

Nagsilbing inspirasyon talaga ang tulad niya sa panahon ngayon hindi tulad ng iba na kumpleto ang pangangaratawan ngunit panay ang reklamo sa buhay kung minsan ginagamit pa sa kasamaan.

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here