Home News Patrowoman nagpa-breastfeed sa anak ng isang Detainee, sinaluduhan ng mga netizen

Patrowoman nagpa-breastfeed sa anak ng isang Detainee, sinaluduhan ng mga netizen

0
Patrowoman nagpa-breastfeed sa anak ng isang Detainee, sinaluduhan ng mga netizen
Sponsored Links

Basta nangangailan at handang maibigay ang tulong sa abot ng makakaya bakit natin ipagdadamot. Marahil ito ang nasa isip ni Patrowoman Jaqueline Damadag Sotomil ng WCPD PNCO sa lugar ng Kiamba Police Station Sarangani Province.

Ayon sa kwento ni Patrolwoman napansin nitong panay ang iyak ng sanggol na tangan ng kanyang ina na isang detainee sa nasabing istasyon. Ang sanggol ay nasa isang buwang gulang pa lamang at dinala sa istasyon para mapadede ng ina nitong nakakulong sa kasong pagnanakaw. Ngunit sa hindi inaasahan pangyayari hindi makapagpalabas ng gatas ang ina ng bata dahil na rin sa stress at gutom.

Kaya naman nagmagandang loob si Patrolwoman na siya na lamang ang magpa-breastfeed sa sanggol. At dahil na rin may anim na buwang sanggol ang si Patrolwoman madali na sa kanya ang magbigay ng gatas sa sanggol na nagugutom.

Kaya naman ang mga netizen ay saludo sa pangyayaring ito at pinuri si Patrolwoman Jaqueline Damadag Sotomil sa kanyang tulong na ginawa para sanggol at ina nito. Isa na rin itong patunay na marami pa rin ang mabubuting tao sa mundo. Kung minsan kung sino pa ang hindi mo kakilala sila pang mag-aalay ng tulong sa iyo. Sa ngayon ang ina ng bata ay nasa pansamantalang laya matapos na ito makapagpyansa. {via}

Sponsored Links

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here